Daniel Matsunaga at Erich Gonzales, iisa ang dressing rrom at stand-by area sa bagong teleserye

ADVERTISING

Daniel Matsunaga at Erich Gonzales, iisa ang dressing rrom at stand-by area sa bagong teleserye

Daniel-Matsunaga-Erich-GonzalesNakare-relate si Daniel Matsunaga sa role niya bilang Brazilian-Japanese na based sa Singapore na galing sa isang broken family sa “Be My Lady”.

ADVERTISING

“The story is all about love, about family and I’m sure OFWs can relate with the story kasi it’s really light. My character comes to the Philippines dahil he will attend a wedding. It’s the story about a country, about the people. Maraming mangyayari,” chika ni Daniel.

Aminado si Daniel na iisa ang dressing room at stand-by area nila ni Erich Gonzales, ang real-life girlfriend niya.

“Ang pinakamalaking blessing na ibinigay sa akin ng ABS-CBN after ng PBB ay ang Be My Lady kasi leading man ako dito. Mas blessed pa ako kasi kasama ko ang girlfriend ko. At least we get to spend time together, I get to know her. Ayun, sobrang masaya ako,” say ni Daniel Matsunaga.

ADVERTISING

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING