Daniel Matsunaga, ‘di raw p’wedeng maging sila dahil matanda na si Kris Aquino

ADVERTISING

Daniel Matsunaga, ‘di raw p’wedeng maging sila dahil matanda na si Kris Aquino

Daniel Matsunaga, ‘di raw p’wedeng maging sila dahil matanda na si Kris AquinoNOW IT can be told. Wala pala talagang katotohanan ang chikang magdyowa sina Kris Aquino at Daniel Matsunaga.

Mismong si Daniel ang nagsabing not true ang rumors sa kanila ni Kris.

Ang nakakaloka, ang rason ni Daniel kung bakit hindi puwedeng maging sila ni Kristeta.

“Kasi malaki ‘yung difference nu’ng age, ‘di ba? I’m just 24. I’m looking for somebody my age,” sabi ni Daniel sa presscon ng She’s the One.

ADVERTISING

Nagkasama si Kris at Daniel sa Kris TV na nasundan pa ng guesting niya sa sa isang movie, pero there’s nothing romantic between the two.

“She’s really mabait and she gave me the chance to be part of her show. She’s nice,” sabi pa ni Daniel na takang-taka kung bakit sila na-link.

Saying that “single ako ngayon” at “hindi po (totoo ang chismis sa amin) kasi ano she’s a friend lang,” ipinagdiinan ng Brapanese model na “she’s really nice.”

Ang last nilang pagkikita ay sa Kris TV at saka sa Gawad Kalinga event lang.

“Hindi ko alam kung bakit, pero hindi totoo. Hindi totoo ‘yan, eh. Showbiz, eh. I just go with it kasi alam ko when I started doing showbiz,” sabi pa niya.

Daniel Matsunaga, ‘di raw p’wedeng maging sila dahil matanda na si Kris Aquino

TULOY PA rin pala ang challenge ni Sharon Cuneta sa detractors nila ng kanyang asawang si Kiko Pangilinan at willing pa rin siyang magbigay ng P10 million sa sinumang makapagpapatunay na merong anak si Kiko sa ibang babae other than her o nagnakaw ito sa gobyerno.

Ang nakapagtataka lang, bakit binura ni Sharon ang kanyang mahabang litanya sa Twitter. Naduwag ba siya?

Actually, there was nothing accusatory in Senator Jinggoy Estrada’s speech. He didn’t accuse former Senator Kiko of anything pero biglang nag-init ang ulo ni Sharon at naglitanya ng kung anu-ano.

Paulit-ulit na sinasabi ni Sharon na “hindi magnanakaw ang asawa ko.”

Bakit, Sharon, sino ba ang nagsabing magnanakaw ang asawa mo? Can you name names?

Sabi pa ni Sharon sa isang recent interview, hindi siya sanay na binabastos.

Gano’n naman pala, eh. Bakit in the past ay pinuntahan niya sa dressing room si Rayver Cruz at pinagsabihan na ipagtanggol nito si Sarah Geronimo sa intriga nila? Hindi ba niya alam na ang feeling ni Rayver ay nabastos siya nang mga oras na ‘yon?

 

FOR SOMEBODY who is always upfront ay tila naduwag si Derek Ramsay na sabihin ang tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni Cristine Reyes.

Ang akala ng marami ay very honest itong hunk actor pero hindi naman pala. He can’t confront the realities of his love life. Hindi namin alam kung nagpapaka-gentleman lang siya dahil ayaw niyang i-reveal kung ano ang pinag-ugatan ng break-up nila ni Cristine.

Basta ang sabi ng binata, magkaibigan pa rin sila ni Cristine.

One month lang ang itinagal ng relasyon ng dalawa although Derek knew Cristine for more than three years na.

Bakit parang takot na takot yata si Derek na magsalita against Cristine? Dahil ba alam din niyang palaban si Cristine ay meron itong alam sa kanya na baka ibuking niya sa publiko?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING