Daniel Matsunaga, aminadong na-exploit noong nagsisimula pa lang

Daniel Matsunaga, aminadong na-exploit noong nagsisimula pa lang

Daniel-MatsunagaAMINADO SI Daniel Matsunaga na exploited siya noong nagsisimula pa lang siya sa modeling world.

He was aroung 16 years old nang lumabas ang nude photos niya na kinunan sa Thailand. Kung mahilig kayong mag-surf sa Internet, makikita ninyo ‘yong photo ni Daniel na batam-bata na ang dalawang shot ay sapo-sapo niya ang kanyang ari at pangalawa ay ‘yong shot na nakatalikod siya na kita ang kabuunan ng kanyang likuran.

“Yes, ako ‘yun. Hindi ko alam na ganu’n mangyayari,” sagot niya sa tanong namin about the nude photos. “Naloko ako,” kuwento niya sa salitang Filipino.

Hindi niya idine-deny ang isang pagkakamali na ‘yun sa kanyang buhay. Pero ang mga ‘yun ay nakatulong sa kanya para maging maingat na sa susunod.

Naikuwento ni Daniel na happy siya dahil mayroon na siyang resident visa. In short p’wede na siyang tumira sa bansa na hindi na niya kailangang mag-renew taon-taon ng kanyang working visa.

Pero pangarap ni Daniel ang maging Pinoy. “P’wede siguro dual citizen. I don’t know how to work it out, but I’m asking around,” he told us sa presscon ng MMFF 2014 movie niya na Shake, Ratte & Roll XV.

Sa ngayon, work to death si Daniel sa promotion ng movie niya dahil pagkatapos ng trabaho, he will take a vacation sa Japan kung saan doon din pupunta si Kris Aquino for her Christmas holiday after working hard para sa Feng Shui na makakalaban ng SSR XV sa December 25. Aalis for Japan si Tetay after ng wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

One plus one equals Daniel and Kris? Bahala na. Deserving naman ang dalawa na maging masaya.

Reyted K
By RK VillaCorta