Daniel Marsh ng Juan Direction, nang-harass ng taxi driver?

ADVERTISING

Daniel Marsh ng Juan Direction, nang-harass ng taxi driver?

Daniel-MarshSA INTERVIEW kay Daniel Marsh na isa sa mga member ng Juan Direction at inili-link kay Eula Caballero nang magsama sa sitcom na One of the Boys sa TV5, itinanggi nito ang paratang na pangha-harass umano sa sinakyan nitong taxi driver.

ADVERTISING

Ikinagulat umano ni Daniel na sinisingil siya ng taxi driver ng halagang P500 samantalang kung tutuusin daw, hindi pa aabutin ng P100 ang dapat ibayad sa taxi.

Tinanong daw niya ang taxi driver kung bakit hindi pinaandar ang meter ng taxi? At porke raw siguro mukha siyang foreigner ay puwede nang maningil kung magkano ang gustong ibayad sa taxi driver.

Ayon pa sa member ng Juan Direction, nanghiram pa raw umano ito ng P100 sa kasamang member para pambayad sa taxi driver.

ADVERTISING

Anyway, sa interview naman ng taxi driver sa T3, sinaktan daw diumano ito ni Daniel Marsh at humihingi ng katarungan.

Humihingi rin ng tulong ang taxi driver na makakuha ng CCTV sa pinangyarihan ng insidente para makita raw kung ano ang tunay at totoong pangyayari.

Well, sana maayos ng dalawang panig kung anuman ang nangyaring gulo sa kanila para maiwasan na ang mas malaking gastusin kung hahantong pa sila sa korte.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING