Daniel Fernando, sinaksak ni Philip Salvador!

ADVERTISING

Daniel Fernando, sinaksak ni Philip Salvador!

Daniel Fernando, sinaksak ni Philip Salvador!SINADYA NAMIN sa Kapitolyo ng Bulacan si Vice-Governor Daniel Fernando para hingan ng reaction sa pagtakbong vice-governor ng Bulacan ni Philip Salvador sa 2013 elections.

Hindi naitago ni Vice-Gov. Daniel ang sakit na nadama na kakalabanin siya ng kapwa artista na mahal niya at itinuring pa niyang tunay na nakatatandang kapatid, si Ipe.

“Masakit. Kakalabanin ka ng kapwa mo artista. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao, ganyan pala kayong taga-showbiz, naglaban-laban,”say ni Daniel.

Sabi pa ni Daniel, puwede naman daw siyang tulu-ngan ni Ipe na maglingkod sa Bulacan sa ibang posisyon, puwedeng board member o kahit magtayo ng party-list at kanya pa itong tutulungan.

ADVERTISING

Pero ang labanan siya sa pagka-vice-governor ng Bulacan ay para raw siyang sinaksak ng itinuring niyang kaibigan at tunay na kapatid.

Kung hindi pala tatakbong vice-governor ni Ipe ay walang magiging kalaban si Daniel sa 2013 elections.

‘Di ba may prize na matatanggap sa gobyerno ang isang nanunungkulan sa anumang posisyon kung walang lalaban dito sa dara-ting na election.

Anyway, hindi rin daw naniniwala si Daniel na nasulsulan nina Senator Bong Revilla at Senator Jinggoy Estrada si Ipe para kalabanin siya sa Bulacan.

Tinawagan raw siya (Daniel) ng staff ng dalawang senator na sinabihan daw si Ipe na mag-isip muna ng sampung beses sa desisyon nitong kalabanin sa Bulacan ang kapwa-artista.

Pasadong alas-sais ng gabi, umalis kami ng Kapitolyo ng Bulacan, pero dagsa pa rin ang mga tao sa opisina ni Vice-Gov. Daniel. Lahat ay binibigyan ng financial assistant ni Vice-Gov at tulong sa bawat barangay ng Bulacan.

 

SA PAPARAZZI last Saturday, hindi mo iisiping napikon na si Ruffa Gutierrez sa Bulong ng Palad segment ng show kung saan siya ang isinalang sa tanong ng mga kasamang co-host.

Binigyan kasi si Ruffa ng birthday presentation ng mga kasama sa show at dahil birthday ay siya ang isinalang sa Bulong ng Palad, kung saan very personal na tanong ang ipinukol sa kanya.

Maging ang hirit na tanong ni Zoren kay Ruffa na kung sino sa kanila ni John Lloyd Cruz ang magaling sa…?

Tinayuan ito ni Ruffa imbes na sagutin at nagpasalamat na lang sa mga nagpadala ng cakes at sa kanyang sponsors.

Nagpaalam si Ruffa na poise na poise pa ito at nagtungo ng dressing room para kunin ang dapat ayusin para umuwi.

Sa Twitter lang ng actress napagtanto namin na hindi niya nagustuhan ang ginawang pagtatatanong sa kanya ng very personal na tanong.

Narito ang kanyang sunud-sunod na tweets:

Hindi ako natutuwa sa birthday presentation ng Paparazzi para sa akin. Wala kayong kuwenta at wala kayong respeto.

“Hindi ninyo man lang naisip na nanonood ang mga anak ko!… My friends were watching.

“Binastos ako ng Paparazzi on my birthday. I’m so sorry but The Buzz would never do this to me. EVER!

“From this day on, I will no longer be part of Paparazzi. I will never tolerate DISRESPECT in any form done to me, to my children or to my beloved viewers.

“I refuse to be part of trashy reporting that degrades people or shames others.

“I know God will provide work for me in other ways so I can take care of my daughters.

Sa mga hindi nakaaalam ng Bulong ng Palad segment ng Paparazzi, pabulong na tinatanong ang artista ng multiple choice. Hindi naririnig sa ere ang tanong pero ang mga choices ay maririnig pati na ang sagot ng artista.

Hindi nagustuhan ni Ruffa ang tanong sa kanya na ginawa ng writers kaya pagkatapos ng show ay nag-tweet na siya ng kung anu-ano.

Kung naging maanghang ang tweets ni Ruffa, mas maanghang ang tweets ng kanyang ina na si Annabelle Rama dahil tinawag na maniac, bobo, stupid, idiot, atbp ang writers ng show.

Ibinulgar ni Annabelle ang tanong na itinanong kay Ruffa nang pabulong na: “Sino kina Aga, JL, Robin ang pinakamalaki ang tit…? Sino kina Zoren, Aga, Robin ang magaling sa kama?”

Ano kaya ang magiging reaction ng TV5 management tungkol dito? Bukas ang column namin para sa kanilang panig.

 

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING