Daniel at Erich, ‘di makumbinsi ang publiko sa dahilan ng hiwalayan

ADVERTISING

Daniel at Erich, 'di makumbinsi ang publiko sa dahilan ng hiwalayan

Bati na ang mag-ex for two weeks na sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales. Ito ay ayon sa kuwento ng kaibigan na si JB Adkins na isang lifestyle and entertainment columnist sa Bay Area (San Francisco, Oakland, Vallejo, etc.) newspaper na Manila Mail na saksi sa 2nd night show ng dalawa.

Daniel at Erich, 'di makumbinsi ang publiko sa dahilan ng hiwalayan
Daniel Matsunaga and Erich Gonzales with Sheryn Regis and transwoman Krystar Shines (from Cebu)

After ginawan ng paraan ng Star Magic na magharap sila bago sila lumipad patungong San Francisco last Thursday para sa two nights show nila sa isang casino na malapit sa San Francisco, tila may good news na sa dramang galit, sama ng loob, hugot, at emote ng dalaga sa binata.

Ang hirap nga naman ‘yong makikipaglambingan ka sa ex-boyfriend mo for the sake of your job gayong may sama ka pa ng loob at haharap sa fans n’yo na nakabusangot. Gayong nagbayad ang mga ito to fill their illusion na ang DanRich na love nila, okey pa rin at buo ang pagmamahaan sa kabila ng hiwalayan.

Hanggang ngayon, sa kabila ng official statement ng Star Magic na hindi third party at pera ang dahilan, hindi pa rin kumbinsido ang publiko sa rason ng dalawa. Ako rin, hindi kumbisido na habang pinagtatakpan ni Daniel si Erich, ang dalaga, hindi makawala sa isyung sinumulan niya na patuloy ang pagsisingungaling. They owe a valid explanation. The public deserves the truth. Baka sa susunod, hindi na sila paniniwalaan.

ADVERTISING

May pakawala ngang kuwento ang kampo ni Erich as a cover-up sa isyu na hindi niya malusutan at ma-ending-an, na ang rason daw ng split-up nila ni Daniel ay ang pagiging gimikero diumano nito at pagwawaldas ng pera. Funny, ginawang mga engot ang fans at publiko. Ang babaw.

Anyway, sa backstage ng kanilang show (Saturday night), nai-PM sa sa amin ni JB na nagtatakbo raw si Erich na umiiyak palayo matapos kausapin ng isang matandang babae. Hindi batid ni JB kung ano ang kumpletong sinabi ng matanda kay Erich.

Obserbasyon ni JB, “I think the old woman said something to Erich na ‘wag na kayong mag-away.’”

Pakiwari ni JB, “I believe Erich is still hurting.”

ADVERTISING