Danica Sotto, tutol makipag-live-in ang amang si Vic Sotto kay Pauleen Luna

Danica Sotto, tutol makipag-live-in ang amang si Vic Sotto kay Pauleen Luna

Danica-SottoSA TUWING makauusap ng press si Danica Sotto, ‘di p’wedeng ‘di maungkat ang magandang namamagitan kina Vic Sotto at Pauleen Luna.

Sa taping nga ng Happy Wife, Happy Life, ‘di naman naging maramot si Danica na pag-usapan ang pagkaka-link ng kanyang ama kay Pauleen. In fact, buong ningning niyang sinabi na tutol siya na makipag-live-in si Vic kay Pauleen. Mas gusto raw niyang makita ang dalawa na ikinakasal.

“Ako naman, sabi ko, basta kung ano ang gusto nilang gawin kahit marami pa ang tumataas ang kilay dahil sa edad, basta gawin lang nila ‘yung tama sa mata ng Diyos, na wala silang tinatapakang tao… go! ‘Di ba? “Minsan mahirap lang lunukin dahil ‘yung mga tao, “ha?” ‘Yung edad. Pero at the end of the day, sila ‘yung magiging magkasama. Hindi naman sila ‘yung makakasama mo. Parang ang hirap ding maghusga. “Paulit-ulit lang lagi ‘yung sinasabi ko na all I can do is be there for them. Establish ko ‘yung relationship ko na parang paramdam ko na nandito ako kapag may kailangan kayo. Parang tulong, advice, or dasal. ‘Yun,” sabi ni Danica.

Okey naman daw sila ni Pauleen at walang dahilan para siya tumutol kung talagang nagmamahalan ang dalawa.

“Minsan nga sumasama si Pauleen sa PBA games. Nanonood kaming tatlo. Malapit din siya roon sa mga anak ko, sa mga bata. Malapit siya kasi sa mga bata, eh. Okey naman kami. Ayoko lang i-deny na hindi agad kami naging okey. Hindi dahil sa may personal akong problema sa kanya. Siyempre, dahil sa edad. Alam din naman ni Daddy ‘yun, eh,” say pa ni Danica.

Ang mahalaga raw sa ngayon ay nakikita niyang masaya sina Pauleen at ang daddy niya.

“Nakikita ko na mas kuntento si Dad. Nakikita ko rin na kay Pauleen na masaya siya at inaalagaan niya si Dad at napapasaya siya ni Dad. Ang prayer ko lang naman is, actually, no doubt about the present. Ang ipinagpe-pray ko is ‘yung future. Sana masustain ‘yung ganoon klaseng love. Sana, hanggang ano na ‘yan, til death do us part na ito.”

Mas okey kay Danica na magpakasal na sina Vic at Pauleen kaysa naman daw na mag-live-in ang mga ito or mag-anak sila. Sa ngayon ay masayang wife si Danica kay Marc Pingris na isang sikat na PBA basketball player. Greatest fear nga raw ni Danica ay magkahiwalay silang mag-asawa. Siya raw at mga kapatid niya, at kamag-anak at anak ng mga Sotto na nag-asawa, na sana raw mapatid na sa kanilang Sotto na kapag nag-asawa ay naghihiwalay.

“Ayaw kong mangyari sa amin na matulad sa mga magulang namin na matapos magsama ay naghihiwalay. Nag-uusap kami mga anak na nag-asawa na hindi matutulad sa mga magulang namin na naghiwalay,” pagtatapos ni Danica.

 

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo