Danica Sotto-Pingris, deserve ng amang si Vic Sotto na maging masaya

Danica Sotto-Pingris, deserve ng amang si Vic Sotto na maging masaya

Danica-SottoHAPPY SI Danica Sotto-Pingris sa takbo ngayon ng relasyon ng daddy niyang si Vic Sotto sa aktres-TV host na si Pauleen Luna na kasama rin nito sa programang Eat Bulaga. Maganda rin daw ang relasyon niya kay Pauleen at sa daddy niya, at rerespetuhin niya kung ano ang magiging desisyon ng dalawa.

“I’m just praying for them, ’yung mga desisyon na ginagawa nila. I have a good relationship naman with my dad and Pauleen and I respect them kung ano ’yung magiging desisyon nila in the future,” pahayag ni Danica nang makausap namin sa Happy Wife, Happy Life presscon ng TV5.

“Kasi, ano, eh, parang feeling ko, parang nagawa na rin naman ni Daddy ‘yung responsibilidad niya sa lahat ng mga anak niya. So, I feel na deserve din naman niya na maging masaya,” patuloy ni Danica.

Wala naman daw siyang puwedeng ibigay na advice sa future stepmom niya if ever na magkatuluyan nga sila ni Vic.

“Ayoko kasing magdunung-dunungan, kasi parang hindi rin naman ako expert sa ganyan. Parang for me lang, I’ve been married for 8 years, and minsan, hindi ko rin alam kung paano kami umabot ng 8 years. But I think the real secret talaga is, if kayong dalawa, mayroon kayong fear kay God,” sey pa ni Danica.

La Boka
by Leo Bukas