Dance show ni Marian Rivera, nilait-lait

ADVERTISING

Dance show ni Marian Rivera, nilait-lait

Marian-RiveraGRABE PALA kung manita ang bayarang reporter-reporteran na si Nora Calderon. Walang takot na pinagsabihan ni Nora na hindi naman napanood ni Alwin Ignacio ang episode ng dance show ni Marian na kanyang ni-review. Ang contention ng gurang na writer ay hindi naman daw si Paolo Ballesteros ang co-host ni Marian noong episode na ‘yon. Nora was fuming mad dahil nilait-lait ni Alwin si Marian.

In his sosyal fashion, Alwin rattled off the name of Marian’s co-host, na ikinabigla ng matandang reporter-reporteran. Itsinika pa niya ang nilalaman ng show, proving to this writer kuno na napanood niya ang show and he knows what he is talking about.

Pahiyang-pahiya ang gurang na Nora who licks Marian’s ass like a typical fan would. Balita nga naming, todo niya ipaglaban ang dyowa ni Dingdong sa nakaraang Enpress Awards. Talagang halos magkandautal na siya sa pagdedepensa ng merito ng acting ni Marian. Hindi naman siya nagwagi dahil na-lost si Marian.

Nakakaloka itong si Nora, ‘no. Alam naman na maka-Marian siya, eh, kung bakit ginawa pa siyang voting member ng organization niya. Wala siyang delicadeza. PR siya ni Marian pero voting member? Teka, hindi ba’t malinaw na may conflict of interest diyan?

ADVERTISING

Napapansin lang namin, parang reyna kung umasta itong si Nora, eh, hindi naman siya kagalingang reporter. Ni hindi nga siya makapagsulat ng English article. The nerve to accost Alwin, eh, wala naman siya sa kalingkingan ni Alwin.

Hindi lang pala si Dingdong Dantes ang nanita kay Noel Ferrer who recently wrote na ang dance show ni Marian Rivera ay LUMA na at PINAGLIPASAN.

Na-hurt yata ang executive ng Siyete na si Lilybeth Rasonable at tinawagan din niya si Noel. Ang nakarating sa aming chika, ipinaalam ni Lilybeth kay Noel na ginagawan na ng paraan para mag-improve ang dance show ni Marian.

Mukhang affected na affected ang mga executives ng Siyete sa pag-FLOP ng show ni Marian. Hindi lang siguro nila maamin na talagang wala nang magic si Marian, na lahat ng ginagawa nito ay FLOP.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING