Dan Fernandez, ‘di pa rin maiwan ang showbiz

Dan Fernandez, 'di pa rin maiwan ang showbiz

Dan Fernandez, 'di pa rin maiwan ang showbizHindi talaga madali para kay Congressman Dan Fernandez na iwanan ang showbiz kahit nasa larangan na siya ng pulitika. Kaya nga nang dumating ang pagkakataon na ialok sa kanya ang role niya sa pelikulang “Honor Thy Father” na pinagbidahan ni John Lloyd Cruz, tinanggap niya agad. Bago naman kasi siya naging pulitiko ay marami na rin siyang nilabasang mga pelikula na pinagbibidahan ng mga sikat na action stars noon. Pero noon pa man ay pangarap na niya talagang mapunta sa pulitika.

“Ang mahirap lang siguro noon, medyo bata pa ako. Kaya hindi agad ako tumuloy sa pulitika. Pero talagang isa iyon sa gusto kong mangyari nu’ng bagets pa lang ako. Marami akong barkada noon, at okey naman daw akong lapitan, kaya puwede raw akong kumandidato,” wika ni Cong. Dan Fernandez, na mga biro na hindi niya rin akalaing matutupad sa kanyang buhay. Kaya naman ngayon, pagkatapos ng kanyang termino bilang congressman, kumakandidato siya bilang mayor sa Sta. Rosa, Laguna.

Dahil nga sa kanyang pagmamahal sa showbiz, tumulong siya sa naging problema dati ng pelikula ni John Lloyd sa katatapos na Metro Manila Film Festival. Dahil sa kanyang pagtutok sa nasabing problema, magkakaroon daw ng malaking pagbago sa muling pagsasagawa ng MMFF sa December 2016. Marami ngayong galit kay Cong. Dan dahil sa kanyang pakikialam sa isyu, pero handa niyang panindigan kung ano ang kanyang nasimulan tungkol sa nasabing usapin.

ChorBA!
by Melchor Bautista