Dammien Corpuz, Type si Kathryn Bernardo

Dammien Corpuz, Type si Kathryn Bernardo

Dammien-CorpuzMULA SA pagsasayaw ay pinasok na rin ng guwapitong 17 years old na si Dammien Corpuz ang pag-arte.

Tsika nga ni Dammien, “Bukod po kasi sa pagsayaw, hilig ko rin ang umarte katulad ng idolo kong si Daniel Padila.”

Kaya naman daw ngayong summer ay puspusan ang pagwo-workshop nito ng acting at singing para na rin maging handa kapag nabigyan siya ng proyekto.

At kung papalarin nga raw siya na magkateleserye ay ang magandang si Kathryn Bernardo ang kanyang gustong makapareha, dahil bukod daw sa maganda ito ay magaling ding umarte.

Bukod sa pagwo-workshops ay busy rin daw si Dammien sa mga mall show, TV guestings, at out of town shows.

 

Greco-GonzaloInternet sensation Greco Gonzalo, magkakaroon ng dance concert!

 

MAGKAKAROON NG isang malaking dance concert ang Internet sensation at SMAC TV Productions artist na si Greco Gonzalo, ang “A Dance Concert Season 1 Beyond Limits Dance with Greco” sa Area 05, Tomas Morato, Quezon City sa May 9, 2015, 6 pm.

Magiging espesyal na panauhin ni Greco ang Gawad Kabataan ambassador at ABC-CBN artist na si Teejay Marquez, Gawad Kabataan ambassador Justine Lee, Chester Chua, Angelica Felciano, Prince Teodorom at Cariza Llena.

Ito’y sa pakikipagtulungan ng Pepsi, Mogu Mogu, Villarica, SMAC, at Artist Center Philippines.

John’s Point
by John Fontanilla