Dalawang young actor, kaiinggitan ang real-life bromance

ADVERTISING

KAIINGGITAN ANG real-life bromance sa pagitan ng dalawang young actors na ito ng mga gay couples. Si Actor A ay dati nang natsitsismis na beki, but he manages to camouflage his sexual orientation sa pamamagitan ng pagkakaugnay niya sa isa niyang katrabaho sa iisang istasyong kanilang kinabibilangan.

Mas makulay namang ‘di hamak ang gay life ni Actor B dahil noong kabataan pala niya’y suki siya ng mga Miss Teen Gay. Nag-lie low lang siya sa kanyang kabaklaan nang mag-artista at mapabilang sa isang late-night weekend show.

ADVERTISING

Sa ngayon, mas lumawak na ‘ika nga ang career horizon ni Actor B nang hawakan ng isang batikang director-manager, dahil nailipat na nito ang aktor sa kalabang network where he met Actor A.

Ang pagtatagpo ni Actor A at ni Actor B sa “family-oriented” network led to their bromance. Da who ang showbiz gay couple na ito?

Itago na lang natin ang magdyowang ito sa alyas na Tsong Enrique at Jay Tibayan.

ADVERTISING

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING