Dalawang male balladeers, nabuking sa Facebook ang relasyon?! – Archie de Calma

Dalawang male balladeers, nabuking sa Facebook ang relasyon?! - Archie de CalmaDalawang male balladeers, nabuking sa Facebook ang relasyon?! - Archie de CalmaUNANG PASABOG SA 2010 ay natiktikan namin sa Facebook. Dito, nabubuking at napaghahalata ang mga relasyong itinatago at bawal. Gaya sa dalawang balladeers na ito ng isang malaganap na Sunday musical variety show na usap-usapan na noon pa ang kakaibang closeness ng dalawa. Parehong winners ng talent searches ang dalawang guwapong balladeers.

Sa Facebook, nitong nakaraang holidays, talagang nakabalandra ang updates at postings ng photos nila together. Talagang wala yatang araw noong holiday season na hindi sila naghihiwalay. Puwedeng sabihing good friends talaga sila, pero unusual na para bang maski kanya-kanyang pamilya ay hindi nila napagbuhusan ng ganoon katinding panahon. Halatang enjoy sila sa company ng isa’t isa, at wala naman sigurong masama roon.

Kaya lang, lalong tumitindi ang tsismis na nag-uugnay sa kanila. Ginagawa nilang excuse ang business na kesyo pinagsososyohan nila, at very convenient nga naman ito para ma-justify ang halos araw-araw na pagsasama nila. Kaya tuloy nakaabot na rin ang chika sa amin na nagli-live-in na ang dalawang guwapong balladeers.

Hindi mapigilan ang kanilang mga kati, kaya hindi kami magtataka na isang araw, talagang mahihirapan na silang i-deny pa ang mga nakakalokang akusasyon tungkol sa kanilang seksuwal na relasyon.

MAY MGA NAGSASABING starlet daw ang dating ni Erich Gonzales at hindi nila maintindihan kung bakit binibigyan ito ng pansin ng ABS-CBN. Kasama pa sa bagong teleseryeng Tanging Yaman na tampok si Erich bilang isa sa mga pangunahing bida ang isa pang kinukutyang leading man niya sa patapos nang Katorse, si Enchong Dee.

Marami rin ang nagtatanong kung bakit ganoon na lang katindi ang interest ng Dos dito samantalang hindi naman daw talaga guwapo, pangkaraniwan lang at hindi star material.

In fairness kay Erich, naiiba siya sa maraming naglipana sa ABS-CBN na iisa halos ang hulma. Not for anything else, lahat kasi ay pagpapa-tweetums ang ginagawa, generic ang mga isinasagot sa kung anu-anong isyu. Dito sila talbog ni Erich.

Gaya na lang ng diretsahang pagsasabi niya ng sama ng loob kay Ejay Falcon. Bini-build up ng Dos ang tambalan nila, mula pa sa Katorse, pero hindi alintana ni Erich ito at pinakawalan pa rin ang sama ng loob sa isa sa leading men niya. Negatibo ang dating ni Ejay sa press, and he has to do something about this, lalo na nang lumabas na minasama pa niya ang pagsasabi ni Erich sa kanya ng mga kamalian at kakulangan niyang dapat din niyang punuan.

Maski ang pagtatanggol naman ni Erich kay Enchong sa gay issues na idinidikdik dito ay magaan niyang nagagawa. In fairness din kay Enchong, advertisers’ delight ito at ang pangalan ay nangangahulugan ng pagpasok ng advertisements na pinagmumulan ng income ng shows na tinatampukan niya. Kaya mahirap basta kuwestiyunin kung bakit pinag-aaksayahan ng panahon ng Dos ang binata, despite those nasty negative feedbacks.

Kay Erich, nakita agad namin ‘yung pagiging transparent niya na kaya naman niyang dalhin kaya marami na rin sa press ang napamahal dito. Nakasusuya na ang mga artistang iisa na nga halos ang mga hitsura, iisa rin ang pattern ng personalidad na nakakawalan na ng excitement.

It’s about time na hindi matakot ang ABS-CBN sa pagpapakatotoo ng mga artista nila, gaya na lang ni Erich. Na sa sobrang kaprangkahan, may mga reporter na ring sumusuko dahil alam nila kung ano ang magiging repercussions ng pagtatapat nito. Pero, mukhang mapapanindigan ito ni Erich, at ito ang isang bagay na laging dapat umiral sa kanya.

Ang mga totoong artistang sinamba ng publiko ay ‘yung mga walang takot ipakita kung ano sila at ang nararamdaman nila. Kasi, sa ganitong paraan lang sila mamahalin ng publiko, na hindi na kailangang mag-exert ng grabeng efforts just to please people.

Calm Ever
Archie de Calma