Daisy Siete, titigbakin na!

Daisy Siete, titigbakin na!Daisy Siete, titigbakin na!BLIND ITEM. TRUE ang sinabi ng isang Kapamilya actor. Never silang nagkaroon ng relasyon ng isang dancer from another network. Never silang nagkaroon ng commitment. NEVEEEER!!!

Dahil ang nangyari sa kanilang dalawa ay one-night-stand with a fee. No relationship and no emotional commitment. One time lang.

Nagkatikiman lang daw ang dalawa dahil type na type talaga ni Kapamilya actor si dancer pero hindi naman niya maiwan ang kanyang current girlfriend dahil mahal na mahal niya ito.

Take note, hindi man magaling mag-direk ang aktor ay hindi naman pala ito kuripot pagdating sa tsiks dahil binigyan niya ito ng P50K after ng kanilang moment para hindi na mag-ingay ang babe na TV dancer.

At dahil nagpagka-anghel ang face ng gf ng Kapamilya aktor, deadma na lang ito sa isyung ‘yon. May konek ba? Wala lang… getz?

LAST WEEK, NAPIKON si Iwa Moto sa isang contestant nang harapan siyang tinawag na retokada at mataba. Hindi pa rin daw tumigil si Iwa dahil sinundan pa raw niya ang contestant sa backstage at pinagsabihan nu’ng commercial break.

Akting-aktingan ang eksena sa Diz Iz It pero very obvious sa mga viewers na napikon si Iwa dahil after lumabas ang contestant ay naglupasay raw ang sexy Starstruck star at inasar pa ang beauty rin naman na girlet, in fairness.

Dahil sa pagkapikon ni Iwa sa contestant, binigyan daw ng reprimand ang sexy star ng mga executives ng programa tungkol sa kanyang ginawa.

Hindi raw niya dapat pinatulan ang contestant. Dapat ay hindi raw siya naasar dahil akting-aktingan lang naman daw ‘yon kahit na impromptu ang mga dialogue at dapat raw ay ipinakita niya ang kanyang professionalism bilang aktres.

Sabi pa raw, kapag inulit niya ang ganu’n ay hindi na raw siya makalalabas ulit sa Diz Iz It. Mabuti na lang daw at hindi ‘yon napansin ng MTRCB.

Why kaya? Kapag napansin ‘yon ng MTRCB, may mangyayari ba?

Teka. Hindi kaya nagpapaka-controversial lang ang Diz Iz It gaya ng pagiging controversial ng Showtime sa MTRCB nang nag-guest du’n si Rosanna Roces? Just asking lang, huh!

STRAIGHT FROM THE horses mouth, it’s confirmed! Ang Focus matriarch na si Joy Cancio na mismo ang nagsabi na last season na ng Daisy Siete ang Adam or Eve which means, wala nang next season na mapapanood, after ng napapanood ngayon after Eat Bulaga.

Ang mga higher-ups na raw ng GMA-7 ang nagdesisyon at ang sabi, isang Viva produced teleserye raw ang ipapalit sa Daisy Siete.

Ang sabi nga, as always, the mother is the last one to know at sa isyung ito, bago pa nakarating ang kumpirmasyon kay Mother Joy ay kalat na kalat na ang balitang ito sa showbiz at sa mga internet forums.

Pagkatapos nga raw ng masayang eksena sa taping kung saan kinunan ang lips to lips ng mga Sex Bombers na sina Rochelle Pangilinan at Weng Ibarra ay naging sad naman ang ambience nang nalaman ng staff and artists na huling season na ang kanilang tine-taping.

Bukas ieere sa TV ang lips to lips scene nina Rok and Weng pero ewan lang namin kung maise-save nito ang pagkawala ng Daisy Siete sa telebisyon.

At ang latest, lilipat daw sa Singko ang grupo ng Focus Entertainment. True kaya ang tsikang ito Mother Joy?

Sour-MINT
by Joey Sarmiento