Daisy Romualdez, kahit kaibigan pa si Susan Roces, ‘di susuporta kay Grace Poe

ADVERTISING

Daisy Romualdez, kahit kaibigan pa si Susan Roces, ‘di susuporta kay Grace Poe

Daisy-RomualdezKABUNTOT ITO ng aming last Wednesday column with reference to former Sampaguita star Daisy Romualdez. Present kasi si Tita Dai sa performance night cum pocket presscon ng magpinsang Kikay at Mikay at the Music 21 Plaza as organized by friend Richard Pinlac last Friday.

ADVERTISING

Despite having been away from the limelight, Tita Dai has always been a rich fodder for showbiz news. Like the iconic luminaries Amalia Fuentes and Annabelle Rama, kumbaga sa sasakyan ay hindi kinabitan ng brakes ang kanilang mga bibig, they will keep ranting and ranting for as long nasa katwiran sila.

Also, no traffic rules: masagasaan na kung sino’ng masasagasaan.

With a subject who doesn’t mince words, diretso rin naming tinanong ang glamorosa pa ring si Tita Dai kung sino ang minamanok siya sa pagka-Presidente sa 2016. Common knowledge naman kasi—sa mga kahenerasyon niya—na nasa iisang bakuran sila noon ni Susan Roces sa Sampaguita Pictures.

ADVERTISING

Does it follow na si Senator Grace Poe ang kanyang susuportahan by virtue of her long-standing friendship with her mom Susan?

“Mahal ko si Grace. Mahal ko si Susan. Eh, si Swannie ang roommate ko noon sa dormitory sa Sampaguita. Pero mas mahal ko si Ronnie (FPJ). Pero sa totoo lang, hindi ko ibinoto si Ronnie nu’ng tumakbo siyang President. Nasasaktan kasi ako sa mga paninirang ginagawa laban sa kanya, eh!” tugon ni Tita Dai.

Pero ang anak daw niyang si Tina Paner, then based in Spain, ay si FPJ ang ibinoto through online elections. “Inamin ko talaga sa kanya, ‘Oy, Ronnie, hindi kita ibinoto, ah? Pero ikaw ang ibinoto ni Tina.’ Tapos, niyakap niya ‘ko, ‘Okey lang ‘yon, Deswa.’ (FPJ addressed her as Deswa) Five days later, mula nu’ng nagkita kami, namatay siya.”

Kung walang botong nahita si FPJ mula kay Tita Dai, wala rin bang botong maaasahan si Grace mula sa feisty showbiz mom?

“Nu’ng tumakbo si Grace sa pagka-senador, ibinoto ko siya. Pero this time (after nag-anunsiyo na itong tatakbo sa pinakamataas na puwesto), masyado pa siyang hilaw. Kung magkagiyera, ano’ng magagawa ni Grace? ‘Yung problema sa Mindanao, paano niya masosolusyunan?”

What if kaharap na niya si Grace, will Tita Dai say the same straight to her face? “Ronnie, kilala mo ‘ko, kilala n’yo ‘ko. Eh, kung si Alfie (Lorenzo) nga, sinasabi na kung ‘yun ngang tatay nga niya, hindi nanalo, si Grace pa?!”

So, if it’s not Grace Tita Dai will support sa pagka-pangulo, sino sa mga kakandidato sa 2016 ang susuportahan niya?

“Hindi porke’t kumare ko si doctora (Elenita, maybahay ni Jojo Binay), eh, si Binay ang susuportahan ko. Walang kuma-kumare sa akin. Baket, mahal ko rin naman si Grace, ah? Pero kay Binay, sabihin na nilang corrupt, baket, sino ba’ng hindi corrupt? Kinukuwestiyon nila ‘yung building, at least, may building! Iniisyu nila ‘yung cake, at least, may cake!” litany ni Tita Dai.

Nasa mga mambabasa na ang pag-oopinyon.

 

SO, WHAT awaits the viewers of Ismol Family this Sunday?

Pinaghinalaan ni Majay na may gusto ang supplier ng bike parts na si Jerry kay Jingo. At isa pa, lalake ang pagkakaalam niya dito. Hindi niya alam na si Jerry ay isang babae na kamukhang-kamukha niya.

Nakasama na naman ni Jingo si Jerry sa mobile store nito. Una, purely business lang ang pakikipag-deal niya dito. Pero tama si Majay, parang may gusto nga ito kay Jingo.

Nagiging close na nga si Jingo kay Jerry at teka…mukhang maghahalikan pa sila. Masira na kaya ang relasyon ng mag-asawa dahil kay Jerry?

Tuloy naman ang paghihigpit ni Bobong kay Yumi na makipagkita kay Ethan. Nagtataka naman si Ethan kung bakit biglang ginagawa ni Bobong ito. Kinasapakat pa niya ang barkada na itanong kung bakit nagbagong bigla ang ama ni Yumi.

Samantala nag-uusap nang masinsinan sina Natalia at Lance. Nakita sila ni Lora at gumawa na naman ng intriga. Isinumbong niya ang dalawa kina Mama A at Bernie. Nakita nga ni Mama A ang eksenang `yon at narinig na aalis na silang dalawa. May relasyon ng aba sina Lance at Natalia?

Meanwhile, for two consecutive Sundays ay winner ang Ismol Family sa nationwide ratings!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING