Daiana Menezes, balik-hosting pagkatapos ma-divorce sa asawang politician

ADVERTISING

Daiana Menezes, balik-hosting pagkatapos ma-divorce sa asawang politician

Divorced na ang Brazilian model-TV host na si Daiana Menezes sa asawa niyang politician simula nu’ng November of 2016. Three years din silang kasal at wala raw naman siyang pinagsisisihan sa nangyari sa buhay niya.

Daiana Menezes, balik-hosting pagkatapos ma-divorce sa asawang politician
Daiana Menezes

“Yes, I was granted a divorce and I am very happy about it. The divorce was granted November but I have been single for two years,” balita ng model-actress.

“Actually, you know, may mga bagay na nangyayari sa buhay natin na lesson lang ‘yon. I don’t regret anything. Siguro, I regret the fact na ang tagal bago ako nauntog… alam mo ‘yon? It took me so long to actually make the decision. I should have done it before, but I don’t regret, because if I didn’t do it or if I did it, maybe I wouldn’t be here right now,” pahayag pa niya.

Back as a TV host ang beauty ngayon ni Daiana at magandang simula raw ito para sa kanya ngayong 2017 and after niyang mahiwalay sa ex-husband.

ADVERTISING

“Yes, I’m back to work and I’m excited dito sa ‘The Fiercest Of Them All’ na isang reality modeling search with a twist. Ang tatapang ng 12 models namin at hindi ko kaya ang kanilang ginagawa,” kuwento niya.

Si Dondon Monteverde na ang manager ngayon ni Daiana at balak din niya raw na pasukin ang pag-arte.

“I will try everything pero siyempre, kailangan ko pang mag-workshop,” sey pa niya.

Nang tanungin namin kung nakikipag-date na ba siya ngayon, ang sagot ni Daiana, “Oo naman. Siyempre, tao pa rin ako. Siyempre I need to have someone.”

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING