#DahilSaKyru: Why the Ruru Madrid-Kylie Padilla loveteam worked (and must continue!)

ADVERTISING

#DahilSaKyru: Why the Ruru Madrid-Kylie Padilla loveteam worked (and must continue!)

#DahilSaKyru: Why the Ruru Madrid-Kylie Padilla loveteam worked (and must continue!)
Kylie Padilla and Ruru Madrid as Amihan and Ybrahim/Ybarro in Encantadia

MULING IBINALIK ng fans nina Ruru Madrid at Kylie Padilla ang ‘senti sabado’ noong weekend dahil pina-trend nila ang #DahilSaKyRu. KyRu is the loveteam name of the two na same din as ‘YbrAmihan’, which signifies their names sa serye (Ybrahim and Amihan).

Senti time baa ng bet ninyo? Game!

Sa totoo lang, ang tambalan nina Ruru at Kylie ang may pinaka-malaking potential sa lahat ng pares sa Encantadia. Matatandaan na kay Gabbi Garcia (who plays the role of Alena) talaga nakatoka si Ruru dahil sa original ay sina Ybrahim/Ybarro at Alena ang nagkatuluyan.

But by the twist of fate, the viewers of the new Encantadia felt more kilig with Ybrahim and Amihan’s story.

ADVERTISING

May mga nagsasabi na kahit na walang kissing scene ay nakaramdam sila ng tension sa mga tinginan at pasimpleng gestures nina Ruru at Kylie. Nakadagdag pa sa thrill na hindi dapat magkaroon ng katipan ang Reyna ng Lireo.

Pero may anak sila.

#DahilSaKyru: Why the Ruru Madrid-Kylie Padilla loveteam worked (and must continue!)
YBRAMIHAN: Amihan and Ybrahim (played by Kylie Padilla and Ruru Madrid)

Nakatulong din na may pagka-pabebe ang character development ni Alena at siguro’y sa original version ay mas pinush ang Ybarro-Alena dahil magdyowa in real life sina Dingdong at Karylle. As an avid viewer of the original series, mas gusto ko rin na sina Ybarro at Amihan (played by Iza) ang magkatuluyan dahil mas may onscreen chemistry sila. After Encantadia naman ay nagkaroon ng ibang fantaserye sina Dingdong at Iza (Atlantika) at nagtambal sa Moments of Love and One True Love. That was back when GMA Films was active in producing films.

Ayon sa mga observers, ang impact ng Ruru-Kylie tandem sa Encantadiks reminds them of the sudden chemistry na naramdaman noon ng fans kina Peachy at Wacks (Angelu de Leon and Bobby Andrews) sa TGIS. Bagets pa ako nun but I remember na kay Onemig dapat ipupush si Angelu, but fans found more kilig tuwing kasama ni Angelu si Bobby. That partnership produced the primetime show ‘Ikaw na Sana’ ang movies na puro si Jaya ang kumanta ng theme song.

Si Angelu de Leon ang naging sagot ng GMA-7 kay Judy Ann Santos. Grabe ang bangayan ng fans noon sa mga fan magazines (hindi pa uso ang internet noon).

But then Angelu got pregnant kaya they had to take a break.

Nagkaroon pa rin naman ng reunion projects ang dalawa, pero hindi ito kasing hot ng results ng previous works nila.

#DahilSaKyru: Why the Ruru Madrid-Kylie Padilla loveteam worked (and must continue!)
Goodbye Kiss of Amihan and Ybrahim (Kylie Padilla and Ruru Madrid) sa Encantadia

Kylie Padilla is set to give birth soon and she’s lucky dahil we are in the world now where fans support their idols kahit pa nanganak na ang mga ito, which is dapat lang naman. Some examples we can think of are Andi Eigenmann, LJ Reyes, and of course, Jennylyn Mercado.

I hope that GMA-7 will still give the Ruru-Kylie tandem a push with a nice project. The former is now being paired with different Kapuso actresses while Kylie stays relevant by sharing her updates as a first-time mom. Nakakatuwa lang din na both liked tweets na may #DahilSaKyRu hashtag.

Habang waiting pa kami ay manonood na lang muna kami ng Mulawin vs. Ravena.

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez

ADVERTISING