Dahilan ng hiwalayang Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao, misteryo pa rin

Dahilan ng hiwalayang Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao, misteryo pa rin

Conrad Onglao  and  Zsa Zsa Padilla
Conrad Onglao and Zsa Zsa Padilla

Naisulat ko sa FB wall namin kahapon ang tungkol diumano sa isa sa mga dahilan ng hiwalayan nina Zsa Zsa Padilla at fiancé niyang si Architect Conrad Onglao.

Months before the break-up ay happy si Ms. Zsa Zsa Padilla na ibinabalita ang tungkol sa magandang relasyon nila ng kanyang boyfriend. Excited actually siya sa kasalan nila na magaganap sa Italy within the year na siya mismo personally ang nag-aasikaso para may personal touch.

Maging sa taping ng singer-actress sa New York where she plays mom to Kim Chiu sa hit teleserye na “The Story of Us”, iba ang aura nito na halatang masayang-masaya siya sa kanyang relasyon at pagmamahal sa boyfriend na si Conrad.

Now, comes the bad news. Bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin at nabalita na hiwalay na sina Zsa Zsa at Conrad . Basta ang mga balitang nagkalat sa social media ay ang moving-on at proseso  ng moving on after break-up ang nababasa namin.

Maging si Zsa Zsa, kinumpirma man ang hiwalayan nila ni Conrad ay walang dahilan na ibinibigay sa publiko at sa media sa kanilang hiwalayan, na marami ang nabigla lalo pa’t nakatakda na sila ikasal.

Basta ikinukuwento na lang ng singer-actress ay bawas-bawasan na i-share niya sa pubiko ang personal niyang buhay at lovelife.

Kahapon, may natanggap kaming impormasyon sa PM sa inbox ng FB namin na ang isa sa mga dahilan ng split-up ng singer-actress at ng arkitekto niyang fiance ay dahil diumano biktima ng pambubugbog si Zsa Zsa ni Conrad, na I doubt kung totoo.

Nabalita kasi na masyado ang emotional stress na nakukuha ni Zsa Zsa mula kay Conrad.

May tsika rin kasi na kumakalat na nahuli raw ang isa sa kanila na may ibang karelasyon ang kapartner na hindi naman kinumpirma ng source namin kung sino ang may extra relationship kina sa Zsa at Conrad na kasabayan ng relasyon nila.

Iba’t ibang tsika ang naglabasan at mga kadahilanan kung bakit matapos na makipag-live-in si Zsa Zsa sa bahay ng kanyang fiance sa Makati ay nag-alsa-balutan ito at bumalik sa bahay niya sa Marina, kung saan doon naiwan ang dalawang anak niya na sina Zia at Nicole.

As of this writing, nasa healing stage si Zsa Zsa. Pero ang tunay na dahilan ng split-up nila ni Conrad ay isa pa ring misteryo at isa sa kanila ay ayaw pa ring bumitaw at ipaalam ang tunay na dahilan ng hiwalayan.

Reyted K
By RK VillaCorta