Dahilan ng break-up nila ni John Prats, ayaw pag-usapan ni Shaina Magdayao

ADVERTISING

Dahilan ng break-up nila ni John Prats, ayaw pag-usapan ni Shaina Magdayao

It is never easy to say goodbye.

ADVERTISING

Matapos ang matagal nilang pananahimik sa kabila ng mga ispekulasyon na sila ay break na, it’s finally confirmed that Shaina Magdayao and John Prats have already separated.

Shaina revealed na naghiwalay sila ni Prats last December. Although she was open about their break-up, she is still mum about the reasons.

Shaina also flatly denied the rumor that there was a third party involved kahit may mga lumulutang na pangalan na pilit inili-link ngayon sa dalawang young stars. Shaina is being romantically linked to John Lloyd Cruz while Prats is allegedly dating Denise Laurel.

ADVERTISING

Pero kamakailan lang ay idinidikit naman sa pangalan ni Prats si 2008 Miss Earth Karla Paula Henry. The two met in ASAP 09. Nang tanungin si Karla kung posible na maging sila ni John, “I won’t put a period to that. We’ll see na lang.” Just like Karla, we also have to wait and see kung posibleng may umusbong na magandang pagtitinginan sa kanilang dalawa in the future.

Kahit naging malamig ang nakaraang Pasko nina Shaina at John Prats ay pinainit pa rin ito ng walang katumbas na pagmamahal at suporta galing sa kanilang mga kapamilya at kaibigan.

Ano nga ba ang best medicine to mend a broken-heart? Meron nga bang tamang paraan para mabawasan ang pain? Or you just let it pass until it fades away? For Shaina and John Prats, they are trying to keep themselves busy with projects. Shaina recently signed a two-year exclusive contract with ABS-CBN. She is part of the upcoming series Rubi which also stars Angelica Panganiban, Diether Ocampo and Jake Cuenca. Si Prats naman ay napapanood sa comedy gag show na Banana Split every Saturday at weekdays sa Banana Split: Daily Servings. Ganyan ang mundo ng showbiz, we smile even if our heart is bleeding.

Indeed, some good things never last. Although they have broken up, sana ay mapag-usapan at maayos nina Shaina at Prats ang mga dapat nilang ayusin. If you cannot save the relationship then at least save the friendship.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING