Dahilan ng break-up nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann, isinawalat na

ADVERTISING

Dahilan ng break-up nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann, isinawalat na

Geoff-Eigenmann-Carla-AbellanaNOW IT can be told na ang tunay na dahilan ng break-up nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann ay pagkakaiba ng religious beliefs. Si Carla kasi ay isang Catholic, samantalang si Geoff naman ay isang Born Again Christian.

Isa pa raw sa naging hadlang ng kanilang pagmamahalan ay ang tila pagwawalang-bahala raw ni Geoff na magplano sa kanilang future.

So, kumpirmado na walang kinalaman ang kumalat na balita na nagkahulugan ng loob sina Geoff at Kylie Padilla habang ginagawa ng dalawa ang TV series na Adarna sa GMA 7. At tila ito rin daw ang dahilan kung bakit nakipagkalas si Aljur kay Kylie.

Pero hindi ito naging hadlang para magmukmok na lang sa isang tabi at mag-iiyak si Carla dahil naging matatag ito at ginamit ang utak para hindi magpaapekto. Kaya naman ayun at sunud-sunod ang project na ginagawa ngayon ng dalaga dahil ‘di ito naging martir sa ngalan ng pag-ibig.

ADVERTISING

Samantala, isa sa natuwa sa pakikipagkalas ni Carla kay Geoff ay ang ama ng actress na si Rey PJ Abellana na noon pa ay tutol na sa pagmamahalan ng dalawa.

Katuwiran kasi ni Rey, bata pa at nasa kainitan ng kanyang showbiz career ang anak na siyang dapat daw mas bigyan nito ng attention bago ang pag-ibig.

Although hindi naman sinasabi ni Rey na tutol siya kay Geoff na maging boyfriend ni Carla. Ang sa kanya lang daw ay mas bigyan ng attention muna ng anak ang papagandang showbiz career.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING