Dahil wala na talagang aasahan kay Rayver… Sarah Geronimo, may bagong Inspirasyon?

ADVERTISING

Dahil wala na talagang aasahan kay Rayver… Sarah Geronimo, may bagong Inspirasyon?

KAPAG MAY NAWALA, tiyak na may darating. Ito dapat ang tamang kasabihan para sa Pop Princess na si Sarah Geronimo. Nauwi na sa ending ang naging relasyon nila ni Papa Rayver Cruz kaya its time to move on at maghanap ng bagong boylet na kakaririn he-he, chos! Lucky pa rin ang dalaga ni Mommy Divine dahil may ugong-ugong na may nagpapahiwatig dito? Ha? sino naman daw ‘yun? Ayon sa mga mahadera eh, ang natsitsismis na rumored suitor daw ni Sarah at ang sinasabing bagong inspirasyon ay ang anak ni Camarines Sur Governor LRay Villafuerte na si Papa Miguel Luis Villafuerte, a 22-year-old print model, presently taking up Political Science at a university in New York lang naman, huh! Bongga! Ang sabi naman ni Sarah eh, hindi pa raw sila nagmi-meet ng guy at si Governor LRay pa lang ang nakilala niya. Nagkatrabaho sila sa Cam Sur nang mag-concert ito d’un. Matatandaang binigyan siya ng boquet ng tulips sa nakaraang premiere night ng Catch Me, I’m in Love ng binata pero inamin ng singer actress na hindi niya alam kung alin sa mga bulaklak na ibinigay sa kanya ang nagmula kay Papa Miguel. ‘Di raw niya napansin dahil magulo ng mga oras na iyon. Hmmm… maniwala kami, charot! Naku, wala pang nakakaalam kung may katotohanan nga ang tsikang ito pero sana eh, muling buksan ni Sarah ang kanyang puso at siyempre huwag na sanang humadlang pa ang iba riyan, ha-ha!

ADVERTISING

Photos by Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

ADVERTISING
ADVERTISING