Dahil wala na namang lovelife: pikon na host, nagpapaka-kontrobersiyal na naman!

ADVERTISING

HINDI PA RIN maka-move on si Gasul. Hayan at inisplitan na naman siya ng dyowa niya. Aba, eh binalikan na nga siya, tapos, ano na naman ang nangyari?

Totoo bang hindi na kinaya ng girl ang sobrang kadaldalan ni Gasul, kaya finally ay nag-decide na itong isplitan uli ito?

ADVERTISING

Dahil wala na namang lovelife si Gasul, ayan at nambubulahaw na naman ng tahimik nang isyu. Gusto na naman niyang maging kontrobersiyal, kaya ayan nga ang ginagawa niya, nagpapakakontrobersiyal na naman.

Nang-ookray siya ng artista, tapos, ‘pag siya ang nababalita, napipikon siya, kaya ang ending, nagpapaka-scientist na naman sa pag-iimbento ng balita.

‘Yung isang kaibigan nga niya, kausap namin kahapon lang, eh. Ang sabi na lang nito, “Ganyan na talaga ‘yan noon pa, eh. Hindi mo na mababago ang taong ‘yan. Sabi ko nga sa kanya, ‘pag me nakatapat siya, yari siya.”

ADVERTISING

Saka nakakalokah ‘to. Kung makapanakit ng artista sa telebisyon, gano’n-gano’n na lang. Pero ‘pag siya ang binuweltahan, pikon na pikon. Ginagamit na ang sariling programa sa pang-aaway. Eh, pa’no na lang ang ibang artista na walang sariling talk show, hindi siya mabawian, kawawa naman?

Gamitin ba ang programa para sa pansariling kapakanan?

Juice ko, ano ‘yon, siya lang ang may karapatang mang-okray, tapos, siya, hindi puwedeng okrayin?

Hay, nako… now we know kumba’t siya inisplitan.

(By Ogie Diaz)

ADVERTISING