DAHIL SPECIAL “LOVE”: LIZQUEN, espesyal ang regalo sa isa’t isa!

ADVERTISING

DAHIL SPECIAL “LOVE”: LIZQUEN, espesyal ang regalo sa isa't isa!

DAHIL SPECIAL “LOVE”: LIZQUEN, espesyal ang regalo sa isa't isa!
Enrique Gil and Liza Soberano

NOONG KAARAWAN ni Liza Soberano, bongga at mamahalin ang regalo ng kanyang “love” na si Enrique Gil sa dalaga.

 
Sa 19th birthday ni Liza last January ay niregaluhan ng ito ng binata ng isang mamahaling Chanel Boy Flap bag ayon sa description ng fashionista blogger friend namin.
 
Ayon kay Quen, mahirap para sa kanya ang mamili ng bagay na ipangre-regalo sa “love” of his life ngayon.   
 
I remember sa isang interview noon na ang sabi ng binata: “Because Liza is special, I want my gift to be very, very special” na totoo naman na sa pagiging ispesyal ng dalaga, dapat lang na bukod sa kakaiba, higit na mas espesyal ito para sa kanyang “ special love”.
 
DAHIL SPECIAL “LOVE”: LIZQUEN, espesyal ang regalo sa isa't isa!Kung susumahin ang mga naging regalo ng binata sa dalaga kabilang ang blue Hermes bracelet and a gold necklace from Tiffany’s (na kilalang jewelry store ), a pair of Versace high-top trainers, and a pet dog.
 
Si Liza naman, dahil special si Quen sa puso ng dalaga (kahit wala pa rin kumpirmasyon na sila na nga) ay pinili niya ang mga regalo na hindi naman mahirap hanapin.
 
Isang” storm trooper” mula sa Stars Wars ang regalo ni Liza sa binata na ayon kay Quen ay ilalagay niya ito sa isang location sa kanyang bagong bahay.
 
“When I transfer to my next home, I want to display all my stuff there,” panigurado ng binata.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING
ADVERTISING