DAHIL SA TRADISYONAL NA PANINIWALA: Ai Ai delas Alas, hindi susukatin ang wedding gown

ADVERTISING

DAHIL SA TRADISYONAL NA PANINIWALA: Ai Ai delas Alas, hindi susukatin ang wedding gown

DAHIL SA TRADISYONAL NA PANINIWALA: Ai Ai delas Alas, hindi susukatin ang wedding gown
Ai Ai delas Alas

SA WAKAS, reading-redi na si Ai Ai delas Alas na humarap sa altar para sa kasalan ng taon with boyfriend Gerald Sibayan na nakilala niya nang naglalaro siya ng badminton.

 
Alam ng publiko kung ano ang nangyari sa buhay pag-ibig niya na ang huling pinakasalan ng komedyante ay napaka-pisikal sa kanya na naging rason na nag-decide si Ai Ai na hiwalayan niya ito. Kung tama ang alaala namin, ang kasal na ito ng komedyante ang pinakamaikling kasalan na nag-end sa diborsyo.
 
Happy kami kay Ai Ai na super excited sa kasalan nila ng boyfie. Si “Future Husband” will wear a black tuxedo na itatahi ni Edwin Tan habang si Ai Ai naman will wear a Frederick Peralta wedding gown creation.
 
Nang tanungin namin ang komedyante kung isusukat niya ang naturang wedding gown niya before the big day, ngumiti lang si Ai Ai: ”Hindi, gusto ko sundin ang paniniwala natin na mga Pilipino,” sabay iling ng ulo niya.
 
Kaya nga bago man lang maging Mrs. Sibayan ang komedyante, magpapatawa muna ang Comedy Box-Office Queen sa bago niyang pelikula mula sa CineKo Productions na “Bes and The Beshies” na ipapalabas na sa October 18.
 
DAHIL SA TRADISYONAL NA PANINIWALA: Ai Ai delas Alas, hindi susukatin ang wedding gown
Nikko Natividad, Ai Ai Delas Alas and Zsa Zsa Padilla
 
Sa new comedy project ni Ai Ai, makakasama niya sina Zsa Zsa Padilla, Carmi Martin at si Beauty Gonzales na siguradong riot sa katatawan ang gagawin ng mga “beshies”.
 
Playing her son ay si Nikko Natividad na masasabing biggest break ng #Hashtag member sa pelikula ni Joel Lamangan.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING