Dahil sa Body Shot photos with Marco Gumabao: Sharon Cuneta, sinagot ang mga ‘Revirginized’ bashers niya!

HINDI pinalagpas ng Megastar na si Sharon Cuneta ang mga bashers niya simula nang ilabas ng controversial director na si Darryl Yap ang mga still shots mula sa upcoming movie nito na ‘Revirginized‘.

Kumalat na sa social media ang mga larawan ni Mega kung saan nakikipag-tequila shot o body shot ito with her much younger leading man Marco Gumabao sa isang night beach party. Bagets na bagets ang aura ni Sharon at masasabing litaw ang pagka-‘revirginized’ nito sa mga eksena.

Dahil sa Body Shot photos with Marco Gumabao: Sharon Cuneta, sinagot ang mga 'Revirginized' bashers niya!
Sharon Cuneta and Marco Gumabao in ‘Revirginized’

Dahil siguro sa shock factor ng mga larawang ito ay kahit ang mga fans mismo ni Mega ang nayanig sa patikim ng CuBao (CUneta-GumaBAO) tandem. Idagdag pa na ang caption ay “Marco Gumabao is Mega Tested. Mega Approved.PinaINIT. PinaKIPOT. PinaSIKIP,”

Sa kanyang Instagram account ay sinagot ni Sharon ang mga ‘concerned’ fans at mga bashers ng kanyang ‘daring’ scene.

In the end, no matter how our movie does or what people say, I will still ALWAYS LOVE CARMELA, my character in “Revirginized.” Thank you for her, Direk Daryll. Thank you Marco my Pawi – though short, really sweet – for helping me to relive my 20s in our scenes.

Thank you, dearest CARMELA – my alter-ego/“Sasha Fierce” – for taking me on an adventure unlike any I could have ever imagined I would be going on in my 50s! I’m a gaddam good ACTOR and darn PROUD OF IT! Hahahahaha! At sorry po Direk Daryll!!! Di mo po pinadala eh di pinost ko. Hahaha! Laaab yu! @vincentimentsofficial @gumabao.marco 

At sa mga bashers, pag 55 na kayo at malapit lapit ang itchura nyo sa akin ngayon, chaka lang kayo magkaka-K mandiri! Yuck kayo! Hahahahaha!”

In fairness, ito na siguro ang totoong ‘Mega comeback’ ni Sharon Cuneta. Aminin natin – ang kanyang indie film para sa isang film festival na ipinalabas years ago ay underwhelming, habang nakakashookt din ang kinalabasan ng kanyang horror film. Hindi rin masyadong kinagat ng tao ang balik-tambalan nila ni Richard Gomez kahit pa kasama nila sa pelikulang iyon si Kathryn Bernardo. Kahit ang pelikula nila ni Robin Padilla with the then-famous tandem of Joshua Garcia and Julia Barretto ay hindi nagmarka dahil hindi na rin namin maalala ang title!

Ipapalabas na sa August via VivaMax ang ‘Revirginized’ ni Sharon Cuneta. Who knows, baka ang tambalang CuBao pala ang magiging biggest ‘blockbuster’ natin for 2021, dibahs?!