Dahil sa sunud-sunod na write-up, biglang kambiyo raw
Mommy ni Sarah Geronimo, bait-baitan kay Gerald Anderson?!

ADVERTISING

<b>Dahil sa sunud-sunod na write-up, biglang kambiyo raw</b><br>Mommy ni Sarah Geronimo, bait-baitan kay Gerald Anderson?!

<b>Dahil sa sunud-sunod na write-up, biglang kambiyo raw</b><br>Mommy ni Sarah Geronimo, bait-baitan kay Gerald Anderson?!HOW TRUE na dahil sa sunud-sunod na write-up sa kanya ay biglang kumambiyo si Mommy Divine kay Gerald at biglang naging sweet ito?

Noong mag-guest co-host raw si Gerald sa show ng kanyang anak sa Dos ay nagpakita ng kabaitan itong si Mommy Divine. Super yakap daw ito kay Gerald, bagay na ikinagulat ng young actor.

Siyempre nga naman, biglang-bigla ang pagbabago ni Mommy Divine ng pakikitungo sa kanya. All too suddenly ay parang nagging sweet ito. Dahil ba sa negative reaction sa kanya ng mga fans na nagsasabing sobra na siyang pakialamera sa love life ni Sarah?

Well, tingnan na lang natin ang next move ni Mommy Divine kay Gerald dahil until now ay shelve pa rin ang third movie nila ni Sarah.

ADVERTISING

 

HIWALAY NA sina Cristina Decena at Ariel Villansanta.

Cristina clarified na walang third party sa kanilang break-up.

“Parang isang buwan kaming hindi halos nag-uusap. Ang nangyari noon, bumalik ‘yung cancer ni Mommy Elvie. Nagkaroon siya ng bukol sa leeg, na-diagnose na stage four ‘yung cancer niya. Hindi ko alam. Ngayon si Ariel, sa totoo lang, hindi siya nagsasalita. Sabi ko sa kanya, ‘ano ba ang problema natin? Bakit kailangang hindi tayo nag-uusap? ‘Gusto kong umalis. Isang linggo lang. Gusto kong maka-bonding ang nanay ko.’ Sabi ko, ‘sama ako. Asawa mo ‘ko’. ‘Nagdesisyon na ako na kaming dalawa lang kasi ang nanay ko gustong nasa Provident kami so lilipat muna ako ng  Provident, isang linggo lang’,” kuwento ni Cristina sa opening ng Muebles de Cristina at Signatures by Cristina.

Noong Monday ay tinangkang ayusin ni Cristina ang away nila ni Ariel pero humingi ang TV host ng ten days para makapag-decide.

Nagulat na lamang si Cristina nang makatanggap siya ng text message mula kay Ariel na nakikipaghiwalay na ito.

“Maraming salamat sa pagmamahal mo, sa kabutihan mo sa nanay ko. Sa paghihiwalay natin sana ay maging mabuti tayong magkaibigan,” text ni Ariel kay Cristina.

“Ang natutunan ko lang, hindi pala batayan ang pagpapakasal sa iba’t ibang bansa sa isang relasyon. Kailangan pala talaga ay malalim ang pundasyon ninyo. Kailangan ay matatag kayo. Kamukha noong nangyari sa amin, isang unos lang, isang bagyo lang ay tumba agad, wasak agad,” chika ni Cristina.

<b>Dahil sa sunud-sunod na write-up, biglang kambiyo raw</b><br>Mommy ni Sarah Geronimo, bait-baitan kay Gerald Anderson?!

WALANG TAKOT na nagpakita ng puwet sina Zanjoe Marudo, Luis Alandy at ang Thai actor na si Ananda Everingham sa Director’s Showcase ng Cinemalaya 2012 entry ni Adolf Alix, Jr. na Kalayaan.

Sundalo ang role ng tatlo at shocking na kaagad ang opening scene where a soldier was seen making love with a mermaid.

Magaling si Ananda bilang isang sundalong on the verge of lunacy dahil sa kanyang pag-iisa sa isla. Nakadagdag pa ang pag-iisip niya sa kuwentong may sirena na naroroon sa isla. Parang isang beses lang siyang nagsalita all throughout the movie but his actions convey his emotions very effectively.

Scene-stealer si Zanjoe rito dahil sa malulutong niyang mura at walang takot na dayalog. Nakaaaliw ang beauty queen scene nila ni Luis and Ananda.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING