Dahil sa Side Effects: Ellen Adarna, pinatanggal ang breast implants

KAHIT NA noong siya’y aktibo sa showbiz, hindi idinenay ng misis ni Derek Ramsay na si Ellen Adarna na siya ay nagpadagdag ng boobs. Isa siya sa very few celebrities na umamin na ito ay nagpa-enhance ng kanyang hinaharap.

For the sake of her health ay nagdesisyon si Ellen na ipatanggal na ang kanyang breast implants. Nakakaranas na kasi ito ng back pain, brain fog at fatigue. Ito mismo ang ibinalita ni Ellen sa pamamagitan ng kanyang social media accounts.

Dahil sa Side Effects: Ellen Adarna, pinatanggal ang breast implants
Ellen Adarna’s implants

Anunsyo ni Ellen noong mismong Mother’s Day, May 8: “I have my implants removed! Happy Mother’s Day!”.

Sinambit din niya sa kanyang anak na si Elias na “My boobs are smaller, but there’s a little!”.

Nag-upload din ng video si Ellen kung saan nilalaro ng anak ang kanyang silicone. “What is that?”. Napatigil ang anak at itatapon na sana ang kanyang hawak nang biglang magpanic ang hot momma at sinabing, “Don’t throw! Those were my boobs, uy! Hala, wala na big boobs!”

On a serious note ay ipinaliwanag ni Ellen ang kanyang desisyon.

“Goodbye breast implant illness. I can now breathe properly.

“Goodbye chronic back pain, fatigue, and brain fog. It was fun while it lasted… The end,” aniya pa.

On the other hand, may namimiss ang kanyang mister.

“I miss your old boobs.” sambit ni Derek na idinaan sa isang keyk.

Kung para naman sa kanyang kalusugan ay mabuti na rin na pinatanggal na ito ng Ellen – bago pa siya makaranas ng mga complications, ‘diba?!