Dahil sa “The Promise of Forever”: Ritz Azul, totoong artista na!

ADVERTISING

Dahil sa "The Promise of Forever": Ritz Azul, totoong artista na!

Dahil sa "The Promise of Forever": Ritz Azul, totoong artista na!
Ritz Azul

FAMILIAR ang pangalan ni Ritz Azul sa amin. Naririnig na natin pero hindi ko matukoy kung saan.

 
Yun nga lang, hindi ko matukoy kung taga-GMA Kapuso Network siya galing or sa TV5 Kapatid Network.
 
Ang dami kasi nila na halos iisa ang hugis ng mukha until I had the chance to meet her in person sa isang pagtitipon pre-launch and campaign ng bagong teleserye ng Dreamscape Entertainment para sa ABS-CBN na “The Promise of Forever”.
 
You look like Heart Evangelista. You’re pretty”  sabi ko kay Ritz sa one-on-one interview namin sa kanya.
 
Charming siya. Bubbly. I find her smart. Hindi kikimi-kimi kung sumagot na masyadong pa-girl ng dating.
 
We’ve learned na galing si Ritz sa isang pa-kontest sa Kapatid Network na Star Factor, na one of those personality contest sa mga dalaga’t binata na gusto mag-artista o  yong gustong mag-showbiz.
 
“In 2010, I joined the contest. Si Morisette (Amon); kasabay ko rin,” sabi niya.
 
‘Yong dalawa na wala sa kamalayan ko na binanggit niya tulad nina Claire Ruiz at a girl named Nikita ( didn’t ask her kung half-Russian yong kasabayan niya) at a certain “Eula or Julia” Caballero may sariling private life na wala sa kamalayan ko.   
 
Kuwento ni Ritz sa amin, she was born in Manama sa bansang Bahrain (sa Middle East sa mga magulang na mga OFW), but she grew up in the Philippines.
 
“Parang OFW din po ang role ko sa new teleserye ng Dreamscape like my parents. I play the role as Sofia Madrid who works in a cruise ship as a photographer. Doon ko nakilalala si Pau (Paulo Avelino) at boyfriend ko naman si Ejay (Falcon),” kuwento ng dalaga sa amin.
 
One nice thing na natutunan ni Ritz sa pagkakasali niya sa TPOF ay ang experience niya na makapag-travel sa Eastern Europe.
 
”Ang ganda po ng place. Very memorable sa amin ng cast. May nagsabi nga sa akin na Europe is beautiful compared sa US.”
 
Dahil sa "The Promise of Forever": Ritz Azul, totoong artista na!
The Promise of Forever lead stars Paulo Avelino, Ritz Azul and Ejay Falcon
 
Mula nang kunin siya ng ABS-CBN as a Kapamilya Network talent, prior to her new serye with Paulo and Ejay ay napanood na siya ng publiko sa FPJ’s Ang Probinsyano, MMK, Magandang Buhay, ASAP, Ipaglaban Mo at marami pang iba.
 
Sa pagkakaalam ko, regular performer na rin si Ritz sa Sunday gag show na Banana Sundae na napapanood right after ASAP.
 
Sa September 11 na ang airing The Promise of Forever.
 
Goodluck girl!
 
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING