Dahil sa problema sa ina
Jessy Mendiola, napilitang itago ang relasyon kay JM de Guzman

ADVERTISING

<i>Dahil sa problema sa ina</i><br>Jessy Mendiola, napilitang itago ang relasyon kay JM de Guzman

<i>Dahil sa problema sa ina</i><br>Jessy Mendiola, napilitang itago ang relasyon kay JM de GuzmanDAPAT AY mag-move on na itong si Cesar Montano. Until now pala ay ayaw pa rin nitong tigilan si Sunshine Cruz na ang ganda-ganda ng tinatakbo ng career noon.

Patuloy na sinusuyo ni Cesar itong si Sunshine, pero tila wala nang interest ang aktres na balikan ang kanyang asawa.

Naloloka na nga si Sunshine dahil pati pala career niya ay pinakikialaman ni Cesar. Super selos daw ito kay Ejay Falcon na kasama ni Sunshine sa soap na Dugong Buhay.

Ang nakakaloka pa raw, talagang tinatawagan pa raw ni Cesar ang director nila sa soap na si Toto Natividad para tanungin kung anu-anon ang mga eksenang ginagawa ni Sunshine.

ADVERTISING

Tama ba ang nakarating sa amin na until now ay ayaw pa rin ni Cesar na gumawa si Sunshine ng sexy scenes kahit sa kanyang soap?

Siguro ay sadyang mahal pa talaga ni Buboy si Sunshine kaya ganoon na lang ang kanyang pagpapahalaga sa asawa.

Kaya lang, parang it’s too late na. Ayaw na raw makipagbalikan ni Sunshine sa kanya.

 

KAPAMILYA ACTRESS Jessy Mendiola has admitted what she was denying all those time – na magdyowa sila ni JM de Guzman.

“Opo, naging kami for two years at marami akong natutunan sa part ng buhay ko na ‘yon,” sabi ni Jessy sa solo presscon for her latest soap Maria Mercedes.

Aminado si Jessy na itinago niya ang kanilang relasyon.

“I really can’t (admit it). Hindi ko masabi ‘yon dati kasi kami ng mom ko ay hindi rin okay noon. Siyempre, kung magsasalita pa kayo sa maraming tao, kung kayo internally ay hindi okay ay mas lalong magiging magulo,” esplika niya.

<i>Dahil sa problema sa ina</i><br>Jessy Mendiola, napilitang itago ang relasyon kay JM de GuzmanGinawa niya ang denial sa mga interview dahil ayaw ng kanyang ina kay JM.

“Dumating sa point na hindi na kami nag-uusap ng mom ko. Gumigising ako na pupunta ako ng taping na hindi ko alam kung nasaan sila.”

At dahil sa break-up nila, naging pasaway si JM at nauwi ito sa bisyo.

“Maraming tao ang nagsasabi na napakasama ko kay JM kasi hindi talaga ako nagsalita tungkol sa kanya. Nagkataon lang na umamin siya na mahal niya ako noong wala na kami. At ayoko nang dagdagan na ‘opo, mahal ko siya’, dahil hindi puwede kasi hindi kami okay ng mom ko. So hindi ko… I kept mum about it and tinanggap ko na lang ‘yung sinabi ng tao na, ‘a, pinaasa mo lang siya at sinira mo ang career niya’.

Pero she insisted na minahal din naman niya si JM.

“Gusto ko rin pong malaman ng ibang tao na nagmahal din po ako and masasabi ko rin po na inalagaan ko rin po siya. Hindi na lang po ako nagsalita. Sabihin na lang po natin na nagmahal din po ako, hindi lang siya,” she explained.

“Ngayon po kung ano po ang nangyayari sa kanya, I really hope and wish the best for him kasi napakagaling niyang actor at napakabait niyang tao.”

 

PURO BATIKOS ang inani ng CBCP nang pag-initan nito ang My Husband’s Lover.

“CBCP, it’s OK to guide but not meddle nor impose. Wag sana nating gawing tanga ang mga manonood. Hindi ako makapapayag na palabasin ninyong tanga ako dahil lang sa isang palabas sa TV,” one fan of the show wailed.

“Which begs the question: Is the CBCP relevant? Who appointed it or them to be the “morals guardians”? Please look in your own backyards first, gentlemen,” say naman ng isa pa.

“Kung ganon ang pananaw nila, nakakalungkot naman yata. Ipinipilit nila ang kakitiran ng kanilang pananaw kahit alam nila na sa mismong bakuran nila ay nagkalat ang mga bakla. Ang masaklap pa nga ay hindi nila tinatanggal ang mga pedophile nilang tauhan, bagkus inililipat lang nila ng lugar. Hindi ba mas nakakatakot ang magkubli ng katotohanan kaysa magsabog ng pagmamahalan kahit sa parehong kasarian?” walang takot na sabi ng isang disappointed MHL fan.

Masyadong pakialamero itong CBCP as if naman perfect sila. Bakit, wala bang baklang pari o madreng tomboy? Sino sila para diktahan kung ano ang dapat panoorin ng tao?

Mga ipokrito!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING