Dahil sa poser sa Twitter Angel Locsin, napapasama!

VICE GANDA is again the subject of nasty rumors.

Mataas na ang ere at masyadong feeling, ‘yan daw si Vice Ganda ngayon.

Sa kanyang show kamakailan ay nagdrama raw si Vice. Pilit niyang isinaksak sa kanyang repertoire ang isang song na hindi naman kasali. Talagang ipinagpilitan daw ng stand-up comedian ang kanta much to the consternation of the production staff dahil nasira ang flow ng concert.

Ganyan ka-insistent si Vice. At kapag hindi siya napagbigyan ay mag-iinit daw kaagad ang ulo. At marami daw itong ka-tarayan kapag may kapalpakan ang production gayong siya rin naman ay may kapalpakan.

Marami na nga ang nakakapuna na halatang hindi raw nag-rehearse si Vice kapag opening ng kanyang TV show.

Is it true na one time during the taping ay biglang nagsuka si Vice at nagpatakbo sa ospital? Natural, na-pack-up ang taping dahil sa kanya.

When a TV exec reportedly investigated, nalaman niyang gumimik daw si Vice before the taping kaya siguro hindi nito kinaya ang kanyang trabaho.

ALEX GONZAGA denied that she and Kean Cipriano are back in each other’s loving arms.

Alex was forced to shed light on the issue when many people were surprised to see them watching the concert of the Hansons kamakailan sa Araneta Coliseum.

The young TV host was quick to deny that she’s reconciled with Kean. But she did admit na magka-date nga sila noong gabing iyon.

In the first place, Alex never admitted na naging sila ni Kean before. Entonces, bakit nga naman niya aaminin na nagkabalikan sila, right?

But nobody seems to believe na hindi nagkabalikan sina Alex at Kean. Sweet na sweet nga sila ni Kean all throughout the concert, ‘no.

Kaya itong si Alex, sorry na lang at wala nang naniniwala sa iyo. Hindi ka kasi marunong umamin ng katotohanan.

PINAG-IINGAT NI Angel Locsin ang kanyang mga followers sa Twitter. May poser kasi ang aktres na kung sinu-sino ang pinapatu-tsadahan at si Angel siyempre ang nadadamay kahit wala itong kaalam-alam.

“Guys, careful lang at baka mabiktima kayo ng poser ko (I43redangel). Dami ng naging victim eh,” tweet ni Angel.

Isang follower pa nga ang tumawag na bitch kay Angel.

“Humanap ka ng pagkaka abalahan.. Mkng wala k kcng magawa eh.. Ayusin m buhay m kesa manghusga k!! Bitch!!,” tweet ng isang follower ni Angel, bagay na ikinagulat ng aktres.

Sinagot naman ito ni Angel ng ganito, “I replied to you just to clear na hindi ko tweet yung nabasa mo.. Kung nag-apologize ka lang ng maayos sa pagtawag mo ng bitch, pagsimula ng gulo at pag away sa angels ko, tapos na sana to. Pls don’t fight my angels. Hindi rin maganda for your idol. Kawawa naman at napapasama. Sana maintindihan mo.”

Just to make it clear, ang Twitter account ni Angel ay 143 and not I43.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleJake Cuenca, kinakarma?!
Next articlePinoy Parazzi Vol 5 Issue 48 April 2 – 3, 2012

No posts to display