DAHIL SA PELIKULANG ‘CRY NO FEAR’: Ella Cruz at Donnalyn Bartolome, muntikan na matsugi!

ADVERTISING

DAHIL SA PELIKULANG ‘CRY NO FEAR': Ella Cruz at Donnalyn Bartolome, muntikan na matsugi!

DAHIL SA PELIKULANG ‘CRY NO FEAR': Ella Cruz at Donnalyn Bartolome, muntikan na matsugi!
Ella Cruz and Donnalyn Bartolome

HIRAP NA HIRAP ang mga bida ng pelikulang “Cry No Fear” na sina Ella Cruz at Donnalyn Bartolome sa mga pinagawa sa kanila ni Direk Richard Somes dahil hindi sila pumayag na magkaroon ng double sa mga delikadong eksena nila sa suspense-thriller movie ng Viva Films na scheduled na ipalabas come June 20.

ADVERTISING

Si Ella at Donnalyn mismo pala ang gumawa ng mga delikadong eksena nila sa movie reason sa muntik-muntik na nilang pagka-tsugi (mamatay) para magawa ng tama ang mga eksena nila sa pelikula.

Si Donnalyn, muntik na malunod sa malalim na swimming pool sa isa niyang eksena na sinabayan pa ng malakas na ulan habang kinukunan ang eksena.

Kung hindi dahil kay Ella na nirescue siya (na hindi kasama sa eksena), baka dead na ang “Social Media Sweetheart”.

ADVERTISING

Si Ella naman, matapos ang ginawang isang eksena, biglang nawalan ng malay ang “Millennial Dance Princess” na kailangan pa ito mag-oxygen.

DAHIL SA PELIKULANG ‘CRY NO FEAR': Ella Cruz at Donnalyn Bartolome, muntikan na matsugi!
Donnalyn Bartolome, Direk Richard Somes and Ella Cruz

Mabuti na lang at palaging may dala si Direk Richard na mini-oxygen at nilapatan ng first aid ang dalaga.

”Pagnagkataon na hindi ako marunong sa first aid baka napahamak na si Ella,” kuwento ni Direk na dahil sa kurso niya sa pagse-seaman ay tinuruan sila kung anong gagawin sa mga ganitong sitwasyon.

           

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING