Dahil sa papuri ni Sharon Cuneta: Moi Bien, tumaas ang market value

ADVERTISING

Dahil sa papuri ni Sharon Cuneta: Moi Bien, tumaas ang market value

Dahil sa papuri ni Sharon Cuneta: Moi Bien, tumaas ang market value
MOI BIEN

KUNG ISA KA sa milyun-milyong fans ni Piolo Pascual, ewan ko na lang kung hindi mo kilalla si Moi Bien.

ADVERTISING

Siya ang personal assistant ni Papa Pi na kasa-kasama ng aktor sa haybols nito, sa mga personal na ganap and at the same time ay personal chef ni Piolo.

Si Moi lang talaga sa mangilan-ngilan na outside of Piolo’s family na nakakaalam sa kabuunan ng aktor,

 Sa Cinemalaya 2017 movie ni Megastar Sharon Cuneta na “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha” na showing starting September 6 on a commercial run, she plays the role of Bebang na kasambahay ni Shawie sa pelikula na dinirek ni Mes de Guzman.

ADVERTISING

Sa presscon last Monday for the movie na ni-release ng Star Cinema at in-enhance ang sound para mas lalong gumaganda, isang maganda at hindi makakalimutang karanasan ni Moi ang pagkakasama niya  sa pelikula at sa aktres at pagkakakilala niya kay Sharon ng personal. 

Inamin ni Moi:  “Syempre parang iisipin mo, tutoo ba ito? Parang joke lang or ngayon lang ito,’ parang ganun. So nagpapasalamat na din ako. Sobrang nakaka-overwhelm,” sabi niya.

Sa katunayan, happy si Moi sa karanasan niya. “Feeling ko tumaas yung confidence ko sa sarili ko kasi nga mahiyain ako . ‘Yung parang, ‘Ay hindi ko ito kaya’.

“Hindi naman ako pang-artista. Hindi naman ako pang-ganun. Baka ito na yong way ko na baka nga makagawa na ako ng iba.  Kumbaga nagkaroon ako ng konting tiwala sa sarili ko. Kumbaga hindi ko pala dapat inisip ng negative dapat pala positive ako,” pagkukuwento niya sa presscon.

Maging si Sharon ay happy kay Moi na nakasama niya sa pelikula na dati ay napapanood lang niya sa pelikula tulad ng Kimmy Dora na bida si Eugene Domingo.

“Tawang-tawa ako sa kanya,” kuwento ni Megastar.

Dahil sa papuri ni Sharon Cuneta: Moi Bien, tumaas ang market value

Sa ngayon, Moi still works for Piolo as his personal assistant. One time, kailangan ni Papa Pi ng tulong para ihanda ang damit ng aktor for a taping pero tinanggihan ito ni Moi at ang sabi sa aktor ay nasa shooting siya at hindi niya keri magawa na natawa na lang ang aktor.

Sa katunyan, bongga ang network of friends ni Moi huh! Bongga sila na bukod kay Sharon na naging chummy niya ay naririyan si Direk Bb. Joyce Bernal, si Piolo sa mga tumutulong sa kanya.

Sa katunayan, si Megastar, gusto i-produce si Moi ng solo movie niya na si Empoy Marquez ang kapartner niya.

“Kung kumita ang mga indie films lately, why not push Moi para may sarili siyang career?” paniwala ni Sharon.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING