Dahil sa pambabasted sa pangulo Liz Uy, ayaw nang pag-usapan si P-Noy!

ADVERTISING

Dahil sa pambabasted sa pangulo Liz Uy, ayaw nang pag-usapan si P-Noy!

Dahil sa pambabasted sa pangulo Liz Uy, ayaw nang pag-usapan si P-Noy! SA PRESSCON ng Viva, nakausap namin si Liz Uy na pumirma ng tatlong taong kontrata sa nasabing kumpanya. Ayon kay Liz, bukod sa pagiging stylist ay nakatakda siyang gumawa ng mga commercial at posibleng may isang project para sa telebisyon at pelikula.

ADVERTISING

Si Liz Uy ay ang dating ka-sintahan ni John Lloyd Cruz na noon ay iwas na iwas sa media, pero ngayon ay loveable na sa movie press.

“Actually, madaldal talaga ako. I love talking, pero siyempre that time na kami pa ni John Lloyd, kailangang protektahan ko siyempre ang work niya at iyon ang dahilan kung bakit iwas talaga akong magpa-interview,” sunud-sunod na sabi ni Liz sa amin.

Ayon kay Liz, after nilang mag-break ni John Lloyd, five years ago, muli na silang nakapagtrabaho ng aktor. “Kinuha akong stylist sa isang ginawa niyang commercial and okay naman dahil magkaibigan kami at hindi naman siya mahirap bihisan. Actually, kung meron mang madaling damitan sa showbiz, siya iyon.”

ADVERTISING

Pag-amin pa rin ni Liz, sinabi nitong bukod kay John ay sina Vhong Navarro, Raymond Gutierrez at Pangulong Noynoy Aquino ang madaling damitan. “Hindi kasi sila maarte. ‘Pag pinasuot ko ‘yung ganitong damit, sinusuot nila. Then kung ayaw nila, sinasabi nila sa akin kaya walang nagiging problema.”

Speaking of P-Noy, mariing sinabi ni Liz na irespeto na lang daw ang lovelife ng pangulo at hindi na siya dapat pang magbigay-komento hinggil sa ginagawa nitong panliligaw kay Grace Lee.

“No comment ako diyan dahil malaki ang respeto ko sa pangulo. Siguro pag-usapan na lang natin ang maraming bagay sa akin, huwag lang iyan.” Sabi pa ng dalaga na sinundot ng ganitong tanong ng isa sa mga kasama namin sa panulat. “Kaya ba ayaw mong pag-usapan si Pangulo dahil basted siya sa iyo?”

Dahil sa pambabasted sa pangulo Liz Uy, ayaw nang pag-usapan si P-Noy!

Biglang nanlaki ang mga mata ni Liz. Kitang-kita sa kanyang mukha ang expression na hindi mo maintindihan. “Huwag na huwag na nating pag-usapan ‘yan. Baka kung ano pa ang isipin ng mga tao sa akin,” tumatawang-naiilang na pagtatapos ni Liz sa Pinoy Parazzi.

 

“NO VALENTINE’S plans yet. Wala pa po,” pahayag iyon ni Grace Lee pero aminadong nililigawan siya ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay Grace, na bagong endorser ng Ever Bilena, ordinaryong nilalang si Pangulo sa panliligaw. “Chocolates and roses at nagdi-diner din kami. Ganu’n lang.”

Obvious na masaya ang dalaga sa naging pahayag ng mga kapatid ni P-Noy na boto ang mga ito sa kanya.

“Well kung totoo pong gusto nila ako for Noy, thank you very much po at nakaka-flatter po iyon,” sabi pa nito na nakausap sa amin na sana ay huwag masyadong ma-drag ang pangalan ng pangulo.

“Basta sa ngayon, wala pa pong update sa amin. Pero kung yayain niya ako sa Valentine’s Day, well hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Basta ang masa-sabi ko lang po, salamat po sa inyong lahat.”

Sa kabuuan, sinabi ni Grace na hindi niya ginagamit ang kasikatan ni P-Noy para siya pag-usapan. Nagka-taon lang na kaya siya nagsasalita ay dahil hindi niya maiwasan ang mga kaibigang mediamen, na mundo rin niyang ginagalawan, dahil isa rin siyang TV host/anchor.

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING