Dahil sa Pag-ibig: Beteranang Character Actress, ninakawan nang harap-harapan!

PITIK-BULAG. SINO itong talagang maawa ka sa mga kuwento ng beteranang character actress na dahil sa pag-ibig, para siyang ninakawan nang harap-harapan?

Kasi ba naman, bawat something-something, may kapalit. Una nagpabili ng motorsiklo. Tapos, dyug ulit. Nagpabili naman ng side car. Next, sumama sa Pangasinan, hiningi ang alaga niyang kambing. Next, hindi na hiningi kung hindi pinagbili ang tatlo niyang baka, at hayun, lulugo-lugo ang matronang character actress.

Naurot daw ang kanyang kabuhayan, kaya hiniwalayan na siya ng kanyang luko-lukong papa.

(By Tita Swarding)