DAHIL SA LAMPUNGAN NILA SA AMNESIA LOVE: Paolo Ballesteros, tinablan kay Yam Concepcion?

ADVERTISING

DAHIL SA LAMPUNGAN NILA SA AMNESIA LOVE: Paolo Ballesteros, tinablan kay Yam Concepcion?

DAHIL SA LAMPUNGAN NILA SA AMNESIA LOVE: Paolo Ballesteros, tinablan kay Yam Concepcion?
Yam Concepcion and Paolo Ballesteros

ISA PANG BONGGA ay itong si Paolo Ballesteros na kasehodang awra na awra sa kanyang mga pa-girl na peg, pwede pa rin pala siya gumanap as a straight actor tulad sa pelikulang romcom na Amnesia Love kung saan ang dual role ang ginampanan niya bilang beking-beki (baklang-bakla) character bago pa siya nagkaroon ng amnesia para mag-change bigla ang karkter niya into a straight man kung saan mapo-fall siya sa kapartner na si Yam Concepcion.

Pero hirap daw si Pao sa straight acting na ginagampanan niya compared sa the usual “beking-beki” role niya just like in the movie Die Beautiful at Lola Tidora character niya sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Sa Amnesia Love, may love scene siya for the first time in his entire acting career with his leading lady.

Kuwento ng aktor sa kanyang karanasan sa pelikula: “Never pa kong nakipag-love scene before, sa babae man o sa lalaki. Si Yam ang naka-virgin sa akin,” natatawang kuwento niya.

ADVERTISING

Ayon kay Paolo, very hot ang eksena na yun sa dalampasingan na pagulong-gulong sila ni Yam sa buhanginan.

Nang tanungin ng press kung kamusta ang kissing scene nila ng leading lady ay idinaan ni Paolo ang sagot sa biro. “Siya yata, she felt awkward. Pero parang nadala siya sa love scene namin. Pinagsamantalahan niya ang pagkalalaki ko. Etchos”, paliwanag ng aktor.

Si Yam, hindi naman naasiwa sa eksena nila. Pinuri pa nga niya ang leding man:

”Malambot ang lips niya. Ini-imagine kong lalaki talaga siya.”

“Basta watch ninyo sa February 28 at very daring yun. Kapag may mas daring pa sa eksena namin na yun, porn na yun,” kuwento  ng aktor.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING