Dahil sa kanyang ina
Sarah Geronimo, bigo na naman sa pag-ibig!

ADVERTISING

<B>Dahil sa kanyang ina</b><br> Sarah Geronimo, bigo na naman sa pag-ibig!

<B>Dahil sa kanyang ina</b><br> Sarah Geronimo, bigo na naman sa pag-ibig!BLIND ITEM: Isa lang ito sa napakara-ming kuwento tungkol sa nanay ni Bagets Star. Sino ba’ng mag-aakala na up to now ay prepaid sim pa rin ito, pero ang madir niya ay naka-postpaid.

Nilolowdan na lang ito ‘pag nauubos.

Ba’t ba ayaw ni madir na kunan ito ng postpaid sim? How ironic, samantalang endorser pa naman ito ng isang telecom.

Buti okay lang ito kay Bagets? Buti, hindi niya sinabi sa madir niya na, “Ma, ako naman ang breadwinner, responsableng bata naman ako, ba’t prepaid lang ako?”

ADVERTISING

Hay, nako… isang kuwento lang ‘yan na ikinalungkot namin, dahil hanggang ngayon, hindi namin maintindihan kumbakit napakahigpit ni madir sa kanyang anak, lalo na sa lovelife nito.

Baka nga tumandang dalaga na lamang si Bagets na imbes na mabuntis ay lumaki ang tiyan nito dahil tinubuan na ng myoma.

Mother, wake up! Ang anak mo ay hindi na dose anyos. Lampas pa sa legal na edad ‘yan. Iparanas mo sa kanya ang karaniwang nararanasan ng ibang kabataan dahil alam na-ming responsableng bata naman ‘yan.

Iregalo mo na sa bata ang ma-enjoy niya ang kanyang “edad”.

 

HINDI PA namin napapanood ang The Healing, pero sa ilang nakapanood na nakausap namin, wala man lang nagsabi nang negative tungkol sa pelikula. Bagkus all praises sila sa another masterpiece ni Chito Roño at ng Star Cinema.

Siyempre, juice ko, once in a blue moon lang kung gumawa rin ng pelikula si Ate Vi, kaya sinasamantala na ng kanyang mga tagahanga at humahanga sa Star For All Seasons.

Si Ate Vi ay alam n’yo bang nagbabasa lagi ng mga diyaryo at isa na ang Pinoy Parazzi sa mga binabasa niya, kaya sa-sabihin lang namin: Ate Vi, panonoorin namin ang The Healing, promise, ha?

Congrats, sa bumubuo ng The Healing!

 

PINAG-UUSAPAN NGAYON kung nag-split na ba sina Gerald Anderson at Sarah Geronimo, dahil kay Mommy Divine? Actually, hindi puwedeng mag-split ang dalawa, dahil in the first place, hindi naman sila nag-on.

Nanliligaw pa rin si Gerald kay Sarah, pero ang huling balita namin ay huminto na sa panliligaw si Gerald, dahil napagod na ang young actor sa kapi-please sa nanay ni Sarah na sa tuwing dinadalaw ng ligaw ng young actor si Sarah sa house ay parang nararamdaman daw nitong “unwanted” siya sa house.

May ilan pang ikinalolokah si Gerald sa nanay ni Sarah, kaya ang nasabi na lamang daw nito kay Sarah ay, “I’m ready, but I think you’re not!”

<B>Dahil sa kanyang ina</b><br> Sarah Geronimo, bigo na naman sa pag-ibig!

Umiyak daw si Sarah after ng Sarah G Live nu’ng Linggo, dahil nga naudlot na naman for the second time around ang kanyang lovelife, dahil ke Mommy Divine na gusto na lamang naming isiping over-protective lang sa kanyang anak.

Sana nga, ‘yun lang ang rason. At hindi ‘yung sinasadya na lamang niyang tanggalin ang karapatan sa anak niya na maranasan ang mainlab.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING