Dahil sa ka-cheap-an ng isyung pinasukan: Marian Rivera, nawalan ng product endorsement

HINDI NAMIN SASABIHING totally bati na sina Bela Padilla at Marian Rivera kahit nagkaayos na sila sa opisina ni Ma’am Wilma Galvante.

Nag-ayos o nagbati ba ‘yung paglabas ng opisina ay hindi man lang nagtapunan ng tingin ang dalawa?

So, ano ‘yon, plastikan pa rin?

Or magkagalit pa rin, pero may usapang wala nang magsasagutan para matahimik na?

SA TOTOO LANG, ang talo riyan ay si Marian Rivera. Siyempre, siya ang sikat. Samantalang si Bela, nag-uumpisa pa lang, pinaingay na agad ni Marian.

Lalabas talaga, sa ayaw at sa gusto ni Marian, nababawasan ang kinang niya, napupunta kay Bela.

Ang masaklap pa nito, and what really bothers me (o, syet, English ‘yon, ha?), meron kaming nakatsikang isang advertiser.

Totoo pala na hindi na ire-renew si Marian bilang endorser kahit sa print at billboards lang.

“Kasi nga, ang cheap-cheap nu’ng isyung pinasukan niya. Eh, hindi bagay sa image ng company ‘yung palengketic character, kaya papalitan na siya, abangan n’yo kung sino!”

Hindi rin namin mabanggit dito kung ano’ng produkto o “serbisyo” ‘yon, dahil sa pinaiiral na strict confidentiality sa larangan ng advertising.

Nakalulungkot lang for Marian.

NORMALLY, ‘PAG NANONOOD ka ng rushes ng isang pelikula, maiinip ka. Kasi, hindi pa ‘yon nalalapatan ng effects, wala pang musical scoring, hindi pa rin pulido ang editing at kung ano lang ‘yung boses na nagamit during the shoot, ‘yun lang ang maririnig mo. As in raw talaga.

Inupuan namin ang Petrang Kabayo, hindi namin tinayuan, in fairness. Rushes pa lang, nakakaaliw na. Nakakatawa talaga siya, promise.

Kinakabahan pa nga rin ang may-ari ng launching movie na ‘yon na si Vice Ganda, dahil siyempre, baka hindi raw tauhin.

Sa reception na natatanggap namin kung kani-kanino na trailer pa lang daw, aliw na sila, at itinatanong na sa amin kung kailan ang showing at ‘yung iba’y humihingi pa ng passes, ilang senyales ‘yon na magiging blockbuster ang pelikula.

Sa Oct. 13 na ang showing at sa Oct. 10 sa SM Megamall Cinema 10 ang premiere night, kaya sana, suportahan n’yo nang bongga, ha?

Halata bang nate-tense din kami bilang manager?

HONESTLY, ILANG OSPITAL na ba ang nabanggit na diumano’y pinagdalhan daw kina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao para “mahugot” lang ang ari ng lalaki sa “keps” ni Shaina?

Una na naming sinabi na hindi kami naniniwala rito, pero habang tumatagal, dumarami na rin ang ospital na pinagdalhan.

Nu’ng una, sa St. Luke’s Medical Center sa Kyusi. Sumunod naman sa Medical City. Tapos, hindi daw sa Kyusi, kundi sa St. Luke’s Global City sa Taguig.

Kaya ‘wag na tayong ma-shock kung sa susunod naman, sa PGH na sila itinakbo. O, baka me “rabies” na involved at sa San Lazaro Hospital pinaturukan ng anti-rabies.

Abangan.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12 nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleDingdong Dantes, May Dengue?!
Next articleBea Alonzo, papatayin?!

No posts to display