Dahil sa isang non-showbiz girl John Lloyd Cruz, nanlalamig na kay Shaina Magdayao?!

Dahil sa isang non-showbiz girl John Lloyd Cruz, nanlalamig na kay Shaina Magdayao?!

Dahil sa isang non-showbiz girl John Lloyd Cruz, nanlalamig na kay Shaina Magdayao?! MADALAS DAW NA hindi nagkakasundo ngayon sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao at ang dahilan ay may bago diumanong girl sa buhay ng aktor na labis na ipinagsisintir ng kalooban diumano ni Shaina.

Kung paniniwalaan ang balita, isang non-showbiz girl daw ngayon ang nakakaagaw ng pansin ni John Lloyd na siyang dahilan upang unti-unti ay manlamig at mabawasan ang pagmamahal kay Shaina.

Say ng mahadera nating source, totoong umanong madalas na magkasama sina Shaina at John Loyd sa mga lakaran at okasyon, pero walang kaalam-alam ang nakababatang kapatid ni Vina Morales na ang kanyang boyfriend ay may iba nang kaulayaw.

Sabi ni John Loyd, kung wala raw magagawang mabuti ‘yung mga taong nagkakalat ng balitang on the rocks ang relasyon nila ni Shaina, manahimik na lang daw. Dahil una at higit sa lahat, wala raw dahilan upang sila ay magkahiwalay ng ka-sintahan. Mahal na mahal daw ni John Lloyd si Shaina at walang dahilan upang siya ay ma-ngaliwa.

Kaugnay nito, hinahamon ni John Lloyd ang mga taong nagsasabing hiwalay na sila ni Shaina dahil may bago na siyang iba na maglabas ng ebidensiya, dahil bukod sa napakaunfair para sa kanila ni Shaina ang balita, nakakahiya raw sa pamilya ng dalaga dahil maganda ang pakikitungo ng mga ito sa kanya.

Inamin ni John Lloyd na hindi naman naapektuhan ang relasyon nila ni Shaina sa mga naglalabasang balita. Kaya lang para sa mga tulad niyang very private person, sana raw ay hayaan na lang sila ni Shaina na maging masaya at huwag nang kalkalin pa at lagyan nang kung anu-anong kulay ang pagmamahalan nila.

 

MASAYANG NAKAUSAP NATIN kahapon si Roderick Paulate. Happy si Roda dahil sobrang naa-appreciate ng mga manonood ang kanyang role bilang Tatay Manny sa programang Munting Here-dera. Bading ang role ni Roderick sa nasabing show, at bading din ang kanyang papel sa indie film na Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington, na ayon sa aktor ay hindi naman nakakasawang gumanap na bakla lalo pa at maganda naman ang role.

Sa kabilang banda, inamin ni Roderick na totoo ang sinabi ng bestfriend niyang si Gov. Vilma Santos, na hindi na naman matutuloy ang pelikulang pagsasama-han nila dahil sobrang abala ang Star for All Seasons. Mas nauna kasi nitong natanguan ang pelikulang pagsasamahan nila ng youngstar na si Kim Chiu.

Hindi raw nagtampo si Roda sa Star for All Seasons dahil naiintindihan niya ang kalagayan nito bilang gobernadora. Kung ‘yun ngang pelikulang El Presidente na ngayon ay na kay Nora Aunor na, what more pa ang indie film na dapat ay gagawin nila. Pero gayun man, umaasa pa rin si Roda na bago sila tuluyang mag-retire ni Ate Vi sa showbiz, makakagawa sila ng obra maestra na sila ang magkasama.

Trivia: Sa pelikulang School: Circa 65 noong 1979 unang gumanap na bading si Roderick bilang si Charot, na naging bukambibig ng mga bading kapag sinasabing biro lang (charot – biro lang). Hindi na mabilang ang pelikulang bakla ang role ni Roda na siyang dahilan kung bakit pinagdududahan hanggang ngayon ang kanyang gender dahil napaka-effective nito sa mga role na bading.

Noong 1968 sa pelikulang Kasalanan Ba? una siyang naging best child actor, kung nasundan iyon nang nasundan hanggang sa mga sandaling ito ay 17 acting awards na ang nahakot ni Roda mula sa iba’t ibang award-giving bo-dies.

 

More Luck
by Morly Alinio