Dahil sa Dressing Room: Ella Cruz, nagmaldita nga ba?

ADVERTISING

Dahil sa Dressing Room: Ella Cruz, nagmaldita nga ba?

Dahil sa Dressing Room: Ella Cruz, nagmaldita nga ba?
Ella Cruz

TAPOS NA ang isyu. Ayaw na nga pagusapan  ni Ella Cruz ang tungkol sa akusasyon sa kanya na hindi diumano maganda ang ugali ng star ng pelikulang “Fan Girl/ Fan Boy” na launching movie nila ng ka-love team na si Julian Trono na mula sa Viva Films.

 
Isyu yun noong Miss Manila na naganap noong June.
 
 Totoo ba na ayaw ni Ella may kasama sa dressing room nito? Gusto ng dalaga na siya lang at solo niya ang naturang dressing room?
 
Sa social media account ng dating beauty queen na si Ganiel Krishnan (na isang ABS-CBN Sports courtside reporter), nag-post ito ng isang blind item tungkol sa isang karanasan niya na may isang artist na diumanon ay ayaw siyang maka-share sa isang dressing room.
 
Sa katunayan, sa naturang blind item, pinaghihinalaang ang naturang artista na tinutukoy ng dating beauty queen ay si Sarah Geronimo (na malamang mali dahil sa estado ni Pop Princess, dapat solo siya nsa dressing room). Pinaghinalaan din na it’s either Yassi Pressman, Nadine Lustre or Sarah Labahati pero nilinaw na hindi sangkot ng mga nabanggit.
 
Nakapagtataka lang, bakit ang pangalan ni Ella ay hindi pa rin  malinis-linis sa isyu? Siya pa rin ang salarin na na ayaw magkaroon ng ka-share sa dressing room.
 
Nilinaw ng “Dance Princess” ang issue once and for all para matapos na ang hinala ng mga netizens sa kanya na siya ang tinutukoy ng naturang B.I.
 
Sa naganap na presscon ng movie nila ni Julian, nagpaliwanag siya sa ilang mga naiwanang media na naroroon at isa na nga rin ang napaliwanagan ni Ella.
 
Paliwanag niya sa isyu: “Hindi ko siya nakita that time, and yung dressing room, yung roon namin, sobrang dami namin dun. Pero ako naman, dinedma ko yung Twitter post (ni Ganiel) na lumabas.
 
Dahil sa Dressing Room: Ella Cruz, nagmaldita nga ba?
Julian Trono and Ella Cruz

“I mean, di ako sumagot na when people are saying na ako yun. Kasi dun sa mga sinabi niyang mga pangalan na hindi sila, ako lang ang hindi nabanggit. I know naman na she will reveal na hindi ako yun, kasi hindi naman po talaga ako yun,” paliwanag ni Ella at depensa sa isyu.

 
Dahil sa samu’t saring opinion ngt mga netizens ay kahit papaano ay naapektuhan si “Fan Girl”.
 
Sabi pa ni Ella: “”Na-bother ako nun, kasi hindi nga ako yun. At saka, kaya ko pong i-explain kung ano ang dressing room ko, ang hitsura ng dressing room ko, kasi sobrang dami nga namin nun.”
 
Dagdag pa ng dalaga: “After a week, ay nag-tweet na rin siya na, ‘Hindi yun si Ella, she’ so sweet,’ ganyan-ganyan. Ako naman sabi ko, ‘Thank you.”
 

After na lumabas ang pagliliwan ni Ganiel na hindi si Ella ang tinutukoy ng naturang blind item ay nagpasalamat siya: “Thank you dahil na-clear niya ako.”

 

ADVERTISING
Ngayon everything is clear ay kampante na si Ella. Abswelto na siya sa blind item.
 
Just wondering kung bakit lumaki ang isyu gayong walang isyu at katsipan naman kung pagtutuunan mo ng pansin.
 
Super react na lang basta-basta gayong lahat ay puro pag-aakala?
 
Mas interesting na pagusapan ang pelikula ng dalaga na showing na sa September 6 sa direksyon ng bagong direktor sa pelikula na si Barry Gonzales.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING