Dahil sa ‘di matapus-tapos na annulment case
Amy Perez, ‘di makumple-kumpleto ang buhay pamilya

ADVERTISING

<i>Dahil sa ‘di matapus-tapos na annulment case</i> <br>Amy Perez, ‘di makumple-kumpleto ang buhay pamilya

<i>Dahil sa ‘di matapus-tapos na annulment case</i> <br>Amy Perez, ‘di makumple-kumpleto ang buhay pamilyaNAKILALA NAMIN ang father ng kaibigang Amy Perez last week.

ADVERTISING

Si Mr. Abet Perez, na branch manager ng Casino Filipino sa Manila Pavillon.

Cool na cool si Tito Abet who talks fondly with his daughter Amy.

Siya mismo, naaawa na sa kalagayan ng anak na matagal na dumudulog sa korte para sa annulment ng kasal nila ni Brix Ferraris na nagbunga ng isang binatilyo na halos hindi naman nasilayan ng bata ang kanyang ama.

ADVERTISING

Ilang beses na rin palang inapela ni Tyang Amy ang kanyang annulment case.

Nakapagtataka kasi na kahit hindi naman sinisipot ni Brix ang mga hearing at deadma ito sa kaso at hindi na rin interesado, ayaw pa ring pagbigyan si Amy sa kanyang hiling.

Sabi ni Tito Abet, malamang sa hindi ay baka palitan na ng anak ang kanyang lawyer na si Atty. Katrina Legarda na isang kilalang Family Lawyer.

“Palagi na lang talo. Lagi na lang deny,” sabi ni Tito Abet sa amin over merienda sa office ni Mr. Danny Cuneta na ama naman ng promising rakista na si Paula Bianca.

Side comment ng isang writer na kasama namin sa mesa: “The fact na hindi na nagpaparamdam si Brix at walang communication kay Amy at sa kanyang pamilya for more than 10 years na, tama lang pagbigyan na ng korte si Tyang Amy. Hindi naman fair yata ‘yun sa kanya.”

Sa kasalukuyan, Amy informed us thru her DM (Direct Message) sa Twitter namin that she is on her 3rd. Unang anak ni Amy ay sa nawawalang asawa na si Brix at ang huli ay sa kanyang love-in partner na broadcaster, ang guwapong si Carlo Castillo.

Nasa pangatlo na si Amy at pangalawa nila ni Papa Carlo.

We just hope, maibigay na ng korte ang matagal nang inaasam-asam ni Amy so she can move on sa kanyang bagong buhay with Papa C.

 

CUTE ANG trailer ng pelikulang Suddenly It’s Magic na pagbibidahan ng bagong tambalang Erich Gonzales at ng Thai Teen Heartthrob na si Mario Maurer.

Cute ang bagets with his killer smile.

Nang mapanood namin ang trailer ng movie, may mga girls na nagre-react kapag nako-close-up ang shot kay Mario.

Sa trailer tipong Rich Boy meets Poor Girl ang tema na kinunan sa mga tourist spots sa Thailand like Bangkok and Ayuttaya at sa Ilocos Region.

Kapag nag-click ang tambalang Eric and Mario, maibabalik pa kaya ang interest sa tambalang Erich-Enchong Dee?

Si Enchong, very vocal na type niya si Julia Montes at maghihintay siya sa sagot ng dalawa pagdating nito ng 18 years old.

Sayang naman at may sariling followers kasi sina Erich at Enchong.

 

MACHONG-MACHO. LALAKING-LALAKI. Mga adjectives na kakabit sa “future” son-in law ni Megastar Sharon Cuneta.

Very vocal si KC Concepcion about her French suitor na si Pierre Emmanuel Plassart. Maging si Sharon, botong-boto sa binata. Bukod sa guwapo, disente ang manliligaw ng kanyang dalaga.

Sabi ni Mega, hindi pa mag-on ang dalawa. “But I like him,” say ni Sharon.

Bukod sa French guy,madami ang uma-akyat ng ligaw kay KC.

“One thing I like most kay Pierre, he is a gentleman. Lalaking-laki. Gusto ko lang linawin na hindi siya “babae”.” ‘Yun na!
Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING