DAHIL SA CRYPTIC POST: Devon Seron at Kiko Estrada, hiwalay na ba?

HIWALAY NA BA sina Devon Seron at Kiko Estrada?

Ito ang tanong ng mga fans ng dalawa nang magpost si Devon ng isang cryptic posts na tingin ng netizens ay patama sa kanyang nobyo.

DAHIL SA CRYPTIC POST: Devon Seron at Kiko Estrada, hiwalay na ba?
Devon Seron and Kiko Estrada

In her now-deleted Instagram post, ito ang simpleng caption ng dalaga:

“The tongue may hide the truth but the eyes never. I asked God for a sign but I witnessed it for myself.”

General ang ibig sabihin nito, pero nagtaka ang netizens nang diretsahang i-tag ng isang malapit na kaibigan ni Devon ang boyfriend nitong si Kiko Estrada at si Heaven Peralejo, na katrabo ng binata sa ongoing Kapamilya series na ‘Bagong Umaga’.

DAHIL SA CRYPTIC POST: Devon Seron at Kiko Estrada, hiwalay na ba?Idagdag pa rito ang pagcomment ng Australia-based sister ni Devon ng ‘THE AUDACITY!’ na may snake emoji.

Nagkadevelopan ba sina Kiko Estrada at Heaven Peralejo sa lock-in taping ng kanilang teleserye?

Ngayon ay deleted na ang post ng dalaga at naka-set to private na ang kanyang Instagram account. Samantala, deleted na lahat ng posts ni Kiko sa kanyang social media account.

Hanggang ngayon ay wala pa rin nagsasalita kina Devon, Kiko at Heaven tungkol sa tingin namin ay bagong pagtsitsismisan na love triangle ng showbiz.

So, naipasana na agad ni Gerald ang korona kay Kiko pagkatapos nito pasahan ni Derek just last week? Chos lang!