DAHIL SA BOYFRIEND: Jasmine Curtis-Smith, pinasok na rin ang hotel business!

ADVERTISING

DAHIL SA BOYFRIEND: Jasmine Curtis-Smith, pinasok na rin ang hotel business!

DAHIL SA BOYFRIEND: Jasmine Curtis-Smith, pinasok na rin ang hotel business!
Jasmine Curtis-Smith and Jeff Ortega

AFTER ng media launch ng horror movie na Maledicto last HolyTuesday lunchtime, diretso ng La Union ang super thin na si Jasmine Curtis-Smith.

Abala kasi ang dalaga sa pagiging hands-on sa business na sinalihan niya na boutigue hotel sa surfing destination sa Norte.

Originally ay negosyo ng boyfie ni Jasmin na si Jeff Ortega at mga friends nito ang nasabing hotel. Pero sa interest na matuto ay isa na ngayon sa mga partners si Jasmine sa negosyo.

Kung walang ganap or scheduled activities ang dalaga sa Manila, makikita mo siya sa La Union na tutok sa itinayong negosyo nila ni Jeff with his friends na first time ng aktres na makisosyo sa hotel business na ngayon ay may soft opening nitong Holy Week. Naka-schedule na magpu-full blast ang operation ng hotel by the end of 2019.

ADVERTISING

Mabuti ay iniisip ni Jasmine ang kanyang fallback in case dumating ang panahon na hindi na siya aktibo sa showbiz.

Almost three years na rin sila ni Jeff na tila mula nang maging magka-relasyon sila ay naging positibo si Jasmin. In short, good influence si Jeff sa dalaga.

DAHIL SA BOYFRIEND: Jasmine Curtis-Smith, pinasok na rin ang hotel business!
Jasmine Curtis-Smith in Maledicto

Sabi ng dalaga who plays Sister Barbie sa pelikulang directed by Mark Meily and produced by Cignal Entertainment and Fox Originals, na ang paghahanda niya ay hindi lang para sa kanya or sa kanila ni Jeff kundi para matupad na rin ang kanyang mga dreams na may sarili siya accomplishments.

Kung maaalala pa, naging madugo ang previous relationship ni Jasmin na iisipin mo na hindi siya maka-recover, but with Jeff, oks na ang lahat.
 
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING