DAHIL SA 25 YEARS AGE GAP: Maris Racal, umaming natakot amining sila na ni Rico Blanco

WIDELY accepted na ngayon sa showbiz ang mga relasyong may malalaking age gap. Ang latest couple na pinagpiyestahan ng mga tao ay ang relasyon ng Ate Sandali singer na si Maris Racal sa OPM rock legend na si Rico Blanco. Hindi lang kasi basta isang dekada ang age gap nila kundi 25 years.

DAHIL SA 25 YEARS AGE GAP: Maris Racal, umaming natakot amining sila na ni Rico Blanco
Rico Blanco and Maris Racal

Sa recent guesting ni Maris sa Magandang Umaga ay mas naging open na ito sa pagsagot sa mga katanungan patungkol sa kanyang buhay pag-ibig. Tinanong ito ni Momshie Jolina Magdangal kung napag-uusapan ba nila ng kanyang nobyo ang posibilidad na lumabas sa publiko ang tunay na iskor sa pagitan nila.

“Lagi po naming pinag-uusapan. Pero every time na ganoon ang topic natatakot ako, napi-pressure ako kasi natatakot ako sa kung ano ang iisipin ng mga tao. Kasi strange kasi ‘yung relationship namin because of the age gap. It’s like the big elephant in the room,” sagot ni Maris.

Mas gumaan ang loob ng dalaga sa dami ng positive comments ng mga netizens sa kakaibang relasyon nila.

“Pero I’m really, really surprised sa reaction nila. Hindi ko in-expect na matutuwa pala sila,”

Sa kasalukuyan ay 23 years old si Maris habang si Rico Blanco naman ay 48 years old na.

Maliban sa musika, pareho rin daw ang values nina Maris at Rico kaya swak ang kanilang personalities.

“Before I would say music kasi doon kami nag-start nag-click talaga, nag-work together. But like now, siguro malaking percentage ‘yung pareho kami ng values sa life, pareho kaming may malaking family and very close together. So gets namin kung paano mag-treat ng family. So ‘yun ang pinaka-importante talaga sa amin,” ani Maris.

DAHIL SA 25 YEARS AGE GAP: Maris Racal, umaming natakot amining sila na ni Rico Blanco
Rico Blanco and Maris Racal

In fairness, punong-puno ng kilig ang relasyon ng dalawa.

“Marami naman. Simple lang kasi si Rico na boyfriend. Parang hindi naman siya ‘yung tipong araw-araw na nagbibigay ng bulaklak. Pero siguro every time na nagbibigay siya ng flowers, kinikilig ako, kasi (nga) hindi siya ganoon, simple lang siya. So every time na may ibibigay siya parang kinikilig ako,” halatang may hint of kilig na pag-amin ni Maris sa mga momshies.

Inamin din ni Maris na dyowa na niya si Rico bago pa naganap ang kauna-unahang Enhanced Community Quarantine o ECQ sa bansa. Kaya naman pala halata ang nag-uumapaw na confidence bigla ni Maris! Kung ikaw ba naman ay GF ng isa sa legends ng OPM, siguradong mas mabibigyan talaga ng boost ang iyong confidence. Winnur!

Sa mga fans ng Rivermaya, isipin niyo na lang na ipinanganak si Maris noong inilabas ng banda ang ‘Atomic Bomb’ album kung saan kasama ang kanilang hit songs na ‘Elesi’, ‘Kung Ayaw Mo, Huwag Mo’ at ‘Hinahanap-Hanap Kita’.

Kaya sa mga barako na hindi pa nahahanap ang kanilang prinsesa, maghintay lang kayo at baka hindi pa ipinapanganak ang para sa inyo! He-he-he!

Stay in Love, Maris and Rico!

Previous articleThings You Didn’t Know About Iza Calzado
Next articleENDLESS LOVE: Dingdong Dantes, gumawa ng nakakakilig na tula para sa kaarawan ni Marian Rivera