Dahil sa ‘Pang-aasar’ kay Katrina Halili sa Hearing, Vicki Belo muntik ma-contempt sa korte

UMEKSENA SI DRA. Vicki Belo sa hearing ng kaso nina Hayden Kho Jr. at ni Katrina Halili sa Pasig-RTC kahapon ng umaga.

Dumating na naman si Dra. Belo para magbigay ng suporta siyempre kay Hayden, at tama namang matinding tanong ang hinarap ni Katrina sa cross examination na ginawa ng abogado ni Hayden na si Atty. Lorna Kapunan.

Hindi lang puwedeng ilabas ang buong detalye ng nangyari sa korte ni Judge Bonifacio, pero nasaksihan ng Startalk ang mga reaksiyon ni Dra. Belo tuwing sumasagot si Katrina sa mga tanong ni Atty. Kapunan.

Ang isa sa naungkat sa cross-examination ay ang triangle nina Katrina, Hayden at Dra. Belo.

Nang kinakalkal na ang tungkol sa kanilang tatlo, kapansin-pansin ang pag-react ni Dra. Belo tuwing sumasagot si Katrina.

Merong napapaypay siya nang malakas, merong parang napaliyad siya sa kanyang pagkakaupo na parang natatawa ito.

Pinuna ito ng abogado ni Katrina at ipinarating sa judge kaya tinawag ang atensiyon ni Dra. Belo na huwag na niya itong gawin uli or else, maku-contempt siya.

Sabi ng abogado ni Katrina na si Atty. Raymund Palad, sa susunod na hearing, ‘pag ginawa raw uli ‘yun ni Dra. Belo, ipapa-exclude na raw niya ito sa korte.

Feeling nila, sadyang pinapupunta raw nila si Dra.Belo para ma-distract si Katrina, pero sabi naman ng seksing aktres hindi siya apektado kahit halata namang naiirita na ito. Hindi pa tapos ang cross-examination at itutuloy daw nila ito sa susunod na hearing sa June 7.

Mukhang mahaba pa ang tatakbuhin ng kasong ito, pero lalong tumitibay raw ang loob ni Katrina kahit napapagod na ito sa paulit-ulit na tanong tungkol sa kanila ni Hayden.

PARANG NAGNI-NEGA na itong si Rich Asuncion. Ang dami nang nakararating sa amin na kuwento kung gaano ito kamaldita dahil sa naiimpluwensiyahan na ito ng mga kabarkada niyang mga mahadera rin.

Kamakailan lang ay nag-post ito sa kanyang Twitter account ng “Nakaaway ko tatay ko. I hate this life!”

Ang dami pa niyang mga inilabas sa Twitter account niya tungkol sa away nila ng tatay niya, na hindi naman yata tama.

Ang daming sumusubaybay sa mga Twitter na iyan at walang kamalay-malay ang tatay nitong si Rich na nadadamay na siya sa kadramahan ng anak niya. Ang mga ganu’ng problema ng pamilya dapat ay sa kanila na lang ‘yun.

May mga ilan pang isyung nakakarating sa amin tungkol dito kay Rich, pero hindi ko muna isusulat dahil hindi pa namin nakuha ang kanyang panig.

By Gorgy’s Park

Previous articleAng eksenang dulot ng pagkakaroon daw ng anak ni Marian Rivera!
Next articleVictor Basa, madalas makita sa isang gay bar sa Malate?!

No posts to display