Dahil pa rin kay Katrina Halili: Hayden Kho, nagtakang magpakamatay?! – Morly Alinio

Dahil pa rin kay Katrina Halili: Hayden Kho, nagtakang magpakamatay?! - Morly Alinio

Dahil pa rin kay Katrina Halili: Hayden Kho, nagtakang magpakamatay?! - Morly AlinioISANG KAIBIGAN ANG nagbulong sa amin na si Hayden Kho ay nagpatiwakal daw.Noong una ay hindi namin sineryoso pero isang kasamahan sa The Buzz ang nag-utos sa amin na mag-usisa sa nasabing balita. Una naming pinuntahan ang Police Station ng Silang, Cavite pero wala sa kanilang logbook ang nasabing insidente. Pero hindi kami nawalan ng pag-asa hanggang sa makilala namin si Jhon-Jhon Malabanan, isang binatang tubong-Lalaan, Silang, Cavite.

“Nakahiga po siya d’yan sa lupa na parang dumadaing na hindi mo maintindihan. Hindi naman po siya lasing kaya lang obvious na parang problemado dahil noong una ay humaharang siya d’yan sa highway tapos pumunta po siya du’n sa madilim na taniman ng pinya at du’n po siya naghihiga.”

Ayon pa rin sa kuwento. Isinalya raw ni Hayden ang sasakyan nitong Accord at nag-iiyak ito habang isinisigaw ang ganitong kataga “Katrina, bakit mo ako ginanito? Wala akong kasalanan… wala!”
Ang police sub-station sa Lalaan, Silang, Cavite ang tumawag ng ambulansiya para dalhin sa ospital si Hayden. Una siyang dinala sa Tagaytay Hospital subalit saglit lang siya du’n kung kaya’t dinala siya sa pribadong ospital ng isang Doctor Estrella.

“Actually marumi siya nang dumating dito. Puro putik ang kanyang pantalon at halatang depress,” pahayag iyon ni Dr. Estrella na nagsabi rin na hindi nagtagal sa kanilang pagamutan ang kontrobersiyal na ‘doktor’ dahil noong mga sandaling iyon ay kasalukuyang on-going ang taping ng isa sa magiging programa ng Channel 2 na Tanging Pamilya.

“Umalis agad siya at nagtalukbong siya para hindi mahalata ng mga tao. Pero sa pagkakaalam ko kahit nagtago siya ay nakita pa rin siya nina Mylene Dizon.” Kuwento naman iyon ng isang nurse na aming nakausap.
Matapos manggaling sa Tagaytay Hospital at Estrella Hospital, muling dinala si Hayden sa De La Salle Hospital sa Dasmariñas, Cavite. Pero hindi rin siya nagtagal du’n.

“Saglit lang siya rito kasi parang hindi naman ganu’n ka-critical ang kanyang condition,” pahayag naman iyon ng isang taong nakausap namin sa De La Salle.

Sa ngayon, nasa Manila Doctors Hospital na si Hayden, kung saan connected ang ama nitong doktor din. Mula nang dinala si Hayden sa Manila Doctors, hindi umano umaalis sa kanyang tabi si Dra. Vicki Belo.

DATING BEAUTY QUEEN-TURNED-ACTRESS si Aurora Sevilla na nakakulong ngayon sa Mandaluyong Jail dahil sa kasong pagbebenta ng ipinagbabawal na droga. “Yung sinasabi nilang may drugs akong dala nu’ng araw na iyon, wala… wala akong dala pero hindi ko itinatanggi na gumagamit talaga ako.” Nahihiyang pag-amin sa amin ni Aurora habang siya ay nasa loob ng selda.

Ayon kay Aurora, natuto siyang mag-drugs noong 17 years pa lang siya, at isang couturer ang nagturo sa kanya. “Actually natigil ‘yun, then nu’ng magkaroon ako ng problema sa anak kong panganay na may sakit, parang bumalik. Pero never akong nagbenta na tulad ng sinasabi nila.”

Aminado si Aurora na hirap siya sa buhay. Una, nawala ang bahay at lupa niya. Pangalawa, bukod sa nasunog noon ay inilit daw ang kanyang maliit na negosyo sa palengke. “Sobrang paghihirap ang nararanasan ko ngayon. Tinulungan nga ako ng channel 7 na ipinagpapasalamat ko pero after nu’ng isang project, hindi na nasundan kaya hayu’n, naburyong na naman ako, kaya heto…”

Umiiyak si Aurora habang kausap namin sa kulungan. Ang totoo, sa The Buzz at sa Pinoy Parazzi lang siya nagsalita dahil feeling daw niya, ang ibang reporter na nag-iinterbyu sa kanya ay walang puso. “Kuya Morly, nagsalita ako sa iyo dahil alam kong hindi n’yo ako pababayaan at hindi n’yo hahayaang ikundena ako ng mga tao. Oo, inaamin ko minsan gumagamit ako. Pero, this time wala silang nahuling drugs sa akin,” pagdidiin ni Aurora.

Handa raw talikuran ni Aurora ang pagdo-droga at nais daw niyang ituwid ang kanyang pagkakamali. Pero paano raw siya magsisimula sa isang matinong buhay kung walang aagapay sa kanya at tutulong sa pagbangon?

More Luck
by Morly Alinio