DAHIL MAS ACTIVE SA GABI: James Reid at Nadine Lustre, mas swak na mag-concentrate sa music

ADVERTISING
DAHIL MAS ACTIVE SA GABI: James Reid at Nadine Lustre, mas swak na mag-concentrate sa music
Nadine Lustre and James Reid

KUNG NOONG 2016 ay bongga ang TV at movie career nina James Reid at Nadine Lustre a.k.a. JaDine, kapansin-pansin ang paglie-low ng magdyowa sa TV at wala sila ni isang pelikulang ginawa noong 2017.

Pagdating sa music ay umarangkada naman ang karir ni James. Sa katunayan, nanalo pa ito ng awards abroad at umani ng magagandang reviews.

Si Nadine naman ay naki-collaborate kay James sa kantang IL2LU at sa best friend na si Bret Jackson a.k.a. KingWaw. Parehong maganda ang mga duets ni Nadine sa dalawang binata na nagtataka kami kung bakit wala pa ni isang music video for the wonderful songs?

Pinasok na rin ni Nadine ang padidirek ng music video ni James for the song “The Life” at sa katunayan nga, sa lahat ng music video ng binata ay may eksena ang dalaga.

This brings us to the conclusion na baka mas swak na sa music scene na lang magconcentrate ang JaDine.

ADVERTISING

Tutal, palagi naman silang naiispatan na nagpaparty at pati isang liquor brand ay inendorse na nila, isang senyales na totally ay goodbye na sila sa pa-wholesome image nila na inumpisahan nang i-launch sila sa pelikulang Diary ng Panget.

Nasa London na ngayon ang magdyowa para i-shoot ang controversial movie nila with Antoinette Jadaone at Dan Villegas na “Never Not Love You”. Sa recent interview nina James at Nadine sa Tonight with Boy Abunda ay kinumpirma nila na tuloy ang proyekto at diumano’y ang sakit ni Nadine ang dahilan kung bakit lagi itong napapack-up.

DAHIL MAS ACTIVE SA GABI: James Reid at Nadine Lustre, mas swak na mag-concentrate sa music
Nadine Lustre and James Reid

Nang tanungin sila sa isa pang interview kung tuloy pa ang dapat na gagawin nilang teleserye sa ABS-CBN this year, parang ayaw nang magconfirm ng dalawa.

Kamakailan lang ay ni-release ni Nadine ang kanyang “ST4Y Up” na written and produced by James. This year ay nakatakda rin itong mag-release ng album.

Kung mas favorable sa talented couple na mas magperform sa gabi at pumarty, mas mainam siguro na ito na lang ang landas na kanilang tahakin para makaiwas sa intriga. ‘Yun na!

ADVERTISING