DAHIL MALANDI AT MAHAROT: Zeus Collins, pinagdududahan na secret lover ni Vice Ganda

ADVERTISING

DAHIL MALANDI AT MAHAROT: Zeus Collins, pinagdududahan na secret lover ni Vice Ganda

DAHIL MALANDI AT MAHAROT: Zeus Collins, pinagdududahan na secret lover ni Vice Ganda
Zeus Collins

ISA si Zeus Collins sa pinaka-sexy sumayaw sa grupong Hashtags reason para tawagin siya na “God of the Dancefloor”. Sa katunayan, siya lang yata ang may ganung moves na sa saliw ng tugtog, ang galaw niya ay makakaagaw pansin sa paningin mo.

ADVERTISING

Ang tattoo niya na mula sa may bandang leeg hanggang sa torso niya, nakakadagdag sa kaseksihan at kamachohan niya.

Sa media conference ng kanyang The Dance Machine Concert na magaganap sa SM North EDSA Skydome sa darating na Novermber 3, nagpamalas na naman siya ng kanyang sexy moves sa mga dumalong invited media.

Bale 2nd concert ito ni Zeus na ang una ay nangyari sa Trinoma.

ADVERTISING

Dahil sa seksi pagsading sa sayawan, hindi maiiwasan na makikipagharutan siya kay Vice Ganda sa noontime show na It’s Showtime tuwing nagtatagpo sila.

Paniwalaan man o hindi, type siya ni Vice na idinadaan na lang ng comedian-host sa biro ang pagkagusto niya kay Zeus.

Hindi rin maiwasan na sa grupo ng Hashtags, silang tatlo lang  nina McCoy de Leon at Ronnie Alonte ang halata na crush ni ‘Fantastica”.

Hindi  nga ba’t silang tatlo nina Ronnie at Mccoy, natsi-tsismis na ‘karelasyon” ng unkaboggabale box-office superstar?

“Hindi po totoo yan. Super close lang kami kay Mama Vice,” pahayag ni Zeus.

Dagdag niya na anak-anakan lang siya ni Vice at kaharutan sa noontime show na nagtataka siya kung paano nagsimula ang tsismis.

Sabi niya: “Hindi ko po alam kasi hindi lang naman po ako ang natsitsismis na

ganun.”

Dahil alam ni Zeus na ang pagkaka-link niya kay Vice ay tsismis lang at hinala ng marami kaya deadma lang siya. Hindi apektado.: “Kaya wala, hindi ko rin naman po pinapansin dahil alam naman po namin kung anong totoong nangyayari kapag kami-kami magkasama-sama.”

DAHIL MALANDI AT MAHAROT: Zeus Collins, pinagdududahan na secret lover ni Vice Ganda
Vice Ganda and Zeus Collins

Ang isa lang na tsismis na gusto ikumpirma ni Zeus sa media para sa kaalaman ng publiko ay natsi-tsismis siya sa mga bading. Malakas kasi ang dating ni Zeus sa mga kapatid na mga beks.

Sa kanila ni Vice wala, Pero sa mga kapatid na mga bekis: “Meron naman,” pero hindi raw niya naranasang makipagrelasyon sa mga ito.

Panigurado ni Zeus: “Mga kaibigan ko po yung mga yun, ‘tsaka mas natutuwa po ako. Mas gusto ko pong makasama yung mga ganun, kasi totoong tao, tsaka siyempre masaya kasama lalo na kapag nagbibiruan,” paliwanag niya.

Dahil maharot si Zeus sa Q and A na naganap during the media conference, isang tanong na sinagot niya ng direstsahan: May experience na ba siya sa bading (sexually)?

Sagot niya: “Wala nga, e, gusto ko nga, e… joke!”

Sa November 3 dance concert niya, suportado si Zeus ng mga kaibigan niya like Dawn Chang, YouTuber Lady Pipay, Ryan Bang, at ang mga kasamahan niya sa sa grupo nilang hastags na sina Nikko Natividad, Paulo Angeles, Jimboy Martin, Charles Kieron, at Jameson Blake.

With his Dance Machine Concert, makikita natin si Zeus na sasayaw ng salsa, contemporary, vogueing.

Sayang at wala si Vice dahil may previous commitment na ito pero sa Guam (USA) show nito ay nang-commit siya kay Zeus na isasama niya ito.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING