DAHIL MAGALING UMARTE: Christian Bables, kumo-quota sa mga film projects!

ADVERTISING

DAHIL MAGALING UMARTE: Christian Bables, kumo-quota sa mga film projects!

DAHIL MAGALING UMARTE: Christian Bables, kumo-quota sa mga film projects!
Christian Bables

NAKAKATUWA ISIPIN na after ng sagad-sagarang paghihirap at pagtitiyaga ay nagkabunga rin ang pagtitiis ng aktor na si Chrtistian Bables.

 
I first met Christian sa presscon ng movie nina Enchong Dee at Kiray Celis na “I Love You to Death” ng Regal Films where he plays a screaming fag na maingay at very loud.
 
Ininterbyu ko ang aktor. Inilabas sa iba’t ibang mga columns ko at sa blog at isa na nga rito ang Pinoy Parazzi.
 
Natatandaan pala yun ng aktor na ako ang kauna-unahang sumulat sa kanya at nagkaroon siya ng ”maliit”na publicity na siya ang subject.
 
I think that was almost two years ago at heto na, after ng kanyang stunning performance sa “Die Beautiful” na pelikulang pinagbidahan ni Paolo Ballesteros, masasabing ang pelikula ni Direk Jun Lana ang naging lucky charm niya.
 
Noong una mapansin sa showbiz, sabay ang mga offers sa kanya pero mas pinili niya na maging isang Star Magic talent, reason kung bakit kabilang siya ngayon sa bagong romance movie nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na “Finally Found Someone”where he plays assistant to Lloydie.
 
DAHIL MAGALING UMARTE: Christian Bables, kumo-quota sa mga film projects!
John Lloyd Cruz, Sarah Geronimo, Direk Theodore Boborol and Christian Bables

Sa launch ng pelikula recently, lahat tinanong kung “Paano mo malalaman kung finally you’ve found someone?”

 
Sagot ng aktor sa open forum:”Wala pa po, e. I’m still on search. Siguro kapag… ano ba? Siguro hindi ko pa ma-define kung ano ang ‘the one’ ko.
 
“Kumbaga, hindi ko pa alam kung kailan at saan, kasi I’m still searching for the right meaning.”
 
Paliwanag ni Christian: ”Ang ibig ko pong sabihin dun ay… kasi I just came out from a breakup before yung Die Beautiful. na… paano ba? Ako kasi yung tipo ng tao na, I don’t play. Kumbaga, ako, parang pakasal-level na, yun ang gusto ko. Yun na ang nae-envision ko.
 
“Kaso ngayon, parang sobrang invested so much of myself dun sa last. Kaya ganun,” sabi niya.
 
Sa ngayon, mas focus ang aktor sa mga magagandang projects na dumarating sa kanya after playing bestie Barbs sa bonggang pelikula nila ni Trisha.
 
After ng sensational na kaganapan kay Christian, imagine, tatlo na yata ang major film niya.            
 
Sa pelikulang kinabilangan niya with Lloydie and Sarah, nag-audition si Christian to get the role at swerte dahil dream come true sa aktor ang pelikula lalo pa’t idol na idol niya ang dalawang bida.
 
After ng Star Cinema film niya ay kasunod naman ang ilan.
 
1st in line ay ang Chito Rono film na “Bagtik” with no less than actress Judy Ann Santos at Daria Ramirez. “Ghost Bride” with Kim Chiu under direk Chito Rono again kung saan nagshooting sila for almost 10 days in Nepal (Kathmandu and Pokhara); “Recipe for Love” with Agot Isidro, Bing Loyzaga, Ogie Diaz and Cora Wadell sa direksyon ni Joey Javier Reyes at ang bonggang-bongga na “Born Beautiful” na si Direk Jun Lana ang nag-direk.
 
But for now, focus si Christian sa ngaragang promo schedule niya for “Finally Found Someone” na palabas na sa mga sinehan sa July 26 nationwide.
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING