Dahil kay Piolo Pascual? Mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion, lumalala ang tampuhan!

ADVERTISING

Dahil kay Piolo Pascual? Mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion, lumalala ang tampuhan!

Dahil kay Piolo Pascual? Mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion, lumalala ang tampuhan! LUMALALA ANG SAMAAN ng loob sa pagitan nina Sharon Cuneta at KC Concepcion. Hindi malinaw ang dahilan kung bakit may gap ang mag-ina. Pero kung paniniwalaan ang tsika, ito ay may kinalaman kay Piolo Pascual.

ADVERTISING

Hindi naman daw tutol ang Megastar kay Piolo, kaya lang daw ay napahiya ang Megastar sa mga kaibigan dahil siya ang huling nakaalam na may relasyon na pala sina Piolo at KC.

“Ang sama kasi, may mga nag-i-interview kay Sharon tapos sinasabi niya, magkaibigan lang sina Piolo at KC. Kasi iyon ang pagkakaalam niya, wala siyang idea na mag-on na ang dalawa. ‘Di ba nakakasama ‘yun ng loob?” pahayag ng isang taong malapit sa Megastar.

Sa ngayon, hindi pa nagkakaroon ng pagkakataong makapag-usap-usap sina KC, Piolo at Sharon, dahil abala ang aktres sa pagtatanggol sa asawang si Se-nator Kiko Pangilinan na ngayon ay “naiintriga” sa isyung pulitika.

ADVERTISING

Kung paniniwalaan ang balita, masama ang loob ni Sen. Tito Sen kay Kiko matapos na magbigay ito ng pahayag kaugnay sa nangyaring dayaan diumano sa eleksiyon.

 

SA CROWNE PLAZA, nakausap namin si Katrina Halili. Iwas man ang aktres, pero hindi umubra ang power niya, dahil presto nakorner namin siya. Sa kauna unahang pagkaka-taon, nakapagbigay ng kanyang saloobin si Katrina matapos na i-announce nina Hayden Kho at Vicki Belo ang nalalapit at pinaghahandaan nilang church wedding.

Sa maraming pagkakataon at sitwasyon, laging iwas si Katrina sa usaping pagpapakasal ni  Hayden. Kung ating  matatandaan naging isang malaking isyu noon ang sex video nina Hayden at Katrina na humantong sa korte at maging ang Senado ay binulabog na rin. Mula sa palitan noon ng linya, lumabas ang katotohanan na nagkaroon pala ng relasyon ang sexy actress at ang doctor na ngayon ay wala nang lisensiya.

Sabi ni Katrina, masaya raw siya para kina Hayden at Vicki. Pero walang bakas sa mukha ng dalaga na masaya siya dahil obvious na imbiyerna ang aktres hindi dahil sa pagkaka-korner namin sa kanya, kundi sa isyung kasalan nina Hayden at Vicki. May nagbulong kasi sa amin na hanggang ngayon ay mahal pa rin ni Katrina ang kontrobersiyal na si Hayden.

“Ano ba ang dapat kong sabihin sa kanila, e, best wishes na lang, ‘di ba?” Sabi uli ni Katrina na iwas na iwas, “ayoko na, ayoko nang mag-comment.”

 

PERSONAL NAMING PINUNTAHAN si Ruffa Gutierrez sa kanilang bahay sa Dasmariñas. Inabutan namin ang dalaga habang kumakain ng snack.

“Actually, Morly, matagal nang issue ‘yang kay Yilmaz (Bektas, ex-husband niya) na iyan. Bago pa ako magpunta sa Paris, sinagot ko na ‘yan. At kung maaari, ayoko nang pag-usapan pa. Basta ang masasabi ko lang, kuntento at masaya ako sa aking buhay.”

Sabi ni Ruffa, ayaw na raw niyang pag-usapan pa ang mga bagay na posibleng makapagbigay sa kanya ng gatla sa mukha, dahil mas gusto raw niyang fresh ang beauty niya.

“Kung anuman ang napag-usapan namin ni Yilmaz, ayoko nang i-share. Basta masaya at kuntento ako sa buhay ko, lalo pa at magkakaroon ako ng charity bazaar this coming September, at lahat ng mapapagbilhan ng mga old dress at accessories ko ay mapupuntang lahat du’n sa tatlong benificiaries ko.”

Ayon kay Ruffa, nagsisimula na niyang tipunin ang mga gamit na hindi na niya masyadong kailangan. “Magaan sa dibdib ‘yung alam mong may natutulungan ka, ‘di ba?”

Sa kabilang banda, itinanggi ni Ruffa ang balitang babalik na siya sa Channel 2. Pumutok kasi ang balitang babalik siya sa Dos matapos na makipagkita siya noon sa driver na nakakuha ng mamahalin niyang sapatos. “Lahat ng mga naglalabasang balita ay hindi totoo. Hindi totoong lilipat ako sa Channel 7, at lalong hindi rin ako babalik sa Dos. Kasi paanong mangyayari iyon, may three years contract ako sa Channel 5, ‘di ba?”

Pero kahit nakakontrata si Ruffa sa TV5, okey lang daw na tumanggap ng proyekto ang dating Beauty Queen. “Basta ang usapan namin ay magpapaalam lang ako, tsaka hindi makakatapat ng show ko rito sa TV5, kung anuman ‘yung show na tatanggapin ko.”

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING