Dahil kay Lloydie: Toni Gonzaga, nagseselos kay Ellen Adarna!

ADVERTISING

Dahil kay Lloydie: Toni Gonzaga, nagseselos kay Ellen Adarna!

 

Dahil kay Lloydie: Toni Gonzaga, nagseselos kay Ellen Adarna!ISYU PA RIN kung  nagkabalikan  na sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban. Umingay na naman   ang kuwentong ito dahil nakita raw sila sa isang hotel sa bandang Ortigas.
 
Pinag-uusapan ngayon sa social media na pareho lang daw yung suot ni Angelica na kasama si Lloydie  at  sa larawan niya  na nakahiga sa kama na mag-isa sa Instagram Account
 
Wala pa ring kumpirmasyon sa dalawa pero ilang beses na silang naispatan na makasama sa iba’t ibang events.
 
Dahil kay Lloydie: Toni Gonzaga, nagseselos kay Ellen Adarna!
Ellen Adarna

Speaking of  John Lloyd,  mas gusto niyang i-focus ang sarili sa kanyang sitcom na “Home Sweetie Home” ng ABS-CBN 2  kesa harapin pa ang intriga sa kanila ni Angelica.

Tumitindi pa rin ang selosan blues sa HSH dahil nanggigil si Toni Gonzaga (Julie) nang inakala ng isang kliyente na chicks lang siya ni Romeo (JLC) . Awkward dahil maaalalang pinagselosan na dati ni Julie si Tanya (Ellen Adarna).
 
Pagdating sa bahay, nakiusap si Julie kay Romeo na pakiiwasan na si Tanya. Magkakaroon ng heated conversation ang mag-asawa.
 
Guests sa “Home Sweetie Home” ngayong Sabado  sina Alora Sasam at Alysson McBride. May hashtag ito na #HSHKissAndMakeup.

 

‘Yan Tayo,eh!
By Roldan Castro

ADVERTISING
ADVERTISING